Enero 17, 2018
CAPRICORN
(Disyembre 22- (Enero 19)
Ang pinakamagandang handog sa sarili ay ang pagbabago. Alam mo kung ano ang mga pagkakamaling nagawa. Kung sisimulan ngayon ang pagbabago at pagtuwid ng maling landas, tiyak nasa unahan ang tagumpay sa gustong makamit. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 28, 32 at indigo.
AQUARIUS
(Enero 20- Pebrero 18)
Kung ano ang ipinunla ay siyang aanihin. Kung gumawa nang kasamaan, gagawin din ito sa iyo. Kung napabilang ka rito, panahon nang pagbabago para hindi malasin sa buhay. Sayang nasa tamang landas pa naman ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 6, 20, 31, 44 at green.
PISCES
(Pebrero 19- Marso 20)
Kapakanan ng sarili bago ng iba ang dapat. Hindi ka maaa-
ring makatulong kung kapos ka. Kung walang tiyaga at sipag, hikahos ang daranasin. Sikapin na magbago at nakakatiyak na magiging masagana ang buhay. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 26, 40 at beige.
ARIES
(Marso 21- Abril 19)
Kung ang suliranin ay pera dahil kapos, huwag mabahala dahil alam ng mga minamahal kung gaano ka nagsikap. Ang pagkakaisa sa pamilya ay magdudulot ng ligaya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 29, 30 at avocado green.
TAURUS
(Abril 20-Mayo 20)
Magiging maligaya ang araw at upang maging masagana ang darating pang bukas, patawarin ang mga taong nagkasala at humingi ng tawad sa nagawang kasalanan. Baguhin ang dapat baguhin sa ugali. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 42 at indigo.
GEMINI
(Mayo 21-Hunyo 21)
Kung magsikap at magtiyaga para landasin ang tamang daan ng kaunlaran sa hinaharap. Kung gustong magbago ang takbo ng buhay, baguhin ang baluktot na ugali. Huwag asahan na mapasakamay ang karangyaan kung tamad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 28, 33 at brown.
CANCER
(Hunyo 22-Hulyo 22)
Kahirapan ang dinaranas ng karamihan dahil sa krisis. Kung ikaw ay napabilang dito, huwag mawalan ng pag-asa. Maraming bagay ang magagawa para kumita kung magsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 39, 41 at dollar green.
LEO
(Hulyo 23- Agosto 22)
Makikita ngayon ang pagkakamali sa buhay. Kung itutuwid, malaki ang pag-asa na lalandasin ang kaunlaran. Ipagpatuloy ang sipag, tiyaga at pasensya, at makita ang kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 17, 35 at pink.
VIRGO
(Agosto 23-Setyembre 23)
Balikan ang alaala ng kahapon dahil ang hindi marunong lumingon sa pinang-galingan ay hindi makakarating sa patutu-nguhan. Ang pagkakamali sa lumipas ay aral na hindi mauulit. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 27, 33 at fuchsia.
LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)
Makakamit mo ang hinahangad kung buo ang iyong loob. Huwag asahan ang iba kundi ang sarili. Walang ibang gumagawa ng iyong kapalaran kundi sarili. Kung hangad ang kaunlaran plano at kilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 30, 42 at red.
SCORPIO
(Oktubre 24)-Nobyembre 22
Daranasin ang hirap at pagkahikahos kung makasarili. Kung babaguhin ang patakaran na maging matulungin at maunawain, dadaloy ang swerte. Lucky numbers at color for the day ay 1, 14, 16, 30 at blue.
SAGITTARIUS
(Nobyembre 23-Disyembre 21)
Maaari kang makisaya subalit iwasan lamang ang malasing at ang argumento. Taimtim na panalangin ang kailangan upang makaiwas sa hindi magandang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 30, 39, 41 at white.
- Latest