^

Kutob

Enero 13, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CAPRICORN(Disyembre 22- (Enero 19)

Unti-unting makakamit ang tagumpay kung patuloy ang pagsisikap. May maliit na hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan o pinapasukan, malamang mamagitan ka para ayusin ito.  Pero tiyakin na hindi makakasali sa kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

AQUARIUS(Enero 20 - Pebrero 18)

Maraming gawain subalit kailangan na bigyan ng panahon ang pagpapahinga. Bigyang pansin ang kapakanan ng kalusugan. Isang kasambahay ang maglalambing, maghanda dahil may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at jade green.

PISCES(Pebrero 19- Marso 20)

Maging tapat  kung nais manatili ang pagtitiwala ng minamahal o kapwa. Nakapaligid ang tensyon at madali kang mahihikayat. Kung papatangay sa nag-uudyok, kapahamakan ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at golden brown.

ARIES(Marso 21- Abril 19)

Maayos ang kondisyon ng mental na kakayahan. Walang puwang na magkakamali kaya kung may bagay na kailangang pagdesisyunan, gawin nang walang pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay  2, 9, 26, 40 at brown.

TAURUS(Abril 20-Mayo 20)

Iwasan ang argument para maiwasan ang mapaaway. Huwag patulan ang argument dahil pagmumulan ito ng hindi pagkaunawaan. Huwag pumasok sa kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at lilac.

GEMINI(Mayo 21-Hunyo 21)

Huwag magpadalus-dalos sa gawain o desisyon dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Huwag maniwala sa matamis na salita at baka madaya o maloko. Malamang isang hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

CANCER(Hunyo 22-Hulyo 22)

Kung naging magulo ang situwasyon sa relasyon, walang masama kung puputulin hangga’t maaga. Alalahanin na ang kapakanan ang siyang unahin bago ang iba. Hindi maaaring makatulong sa iba kung kakailanganin o kulang sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 27, 36 at blue.

LEO(Hulyo 23- Agosto 22)

Mag-ingat sa pagbabalita dahil baka ang balitang maganda ay maaaring maging pangit dahil sa pagbigkas. Iwasan ang magyabang. Itikom ang bibig hangga’t maaari, dahil may mabibigkas ka na ikagagalit ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at green.

VIRGO(Agosto 23-Setyembre 23)

Mag-ingat sa ginagawa. Tiyakin na hindi labag sa kagandahang asal o hindi magreresulta sa kapahamakan ng iba. Tiyakin na ang ginagawa ay nasa sari-ling isip at hindi idinidikta ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 29, 33 at yellow.

LIBRA(Setyembre 24- Oktubre 23)

Walang suliranin sa pera. Maayos ang lagay ng kalusugan. Sa kabuuan, masaya at magaan ang pakiramdam. Walang dapat ikabahala. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 43 at yellow.

SCORPIO(Oktubre 24-Nobyembre 22)

Tuluyan nang mawawala ang minamahal dahil sa pride at hindi maiiwasan na sisihin ang sarili. Ang desisyon sa gawain ay panindigan nang buong tatag kahit ito ay masakit sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at rainbow.

SAGITTARIUS(Nobyembre 23-Disyembre 21)

Isang proyekto ang hahamon sa talino at galing. Malamang mahirapan ka subalit kung pagsisikapan, tiyak magtatagumpay. Lahat nang nalalaman ay tiyak na magagamit sa proyekto. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at silver.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with