^

Kutob

Enero 12, 2018

HOROSCOPE - Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Capricorn - Disyembre 22 - Enero 19

Iwasan ang makulit at mapagbiro dahil iiral ang kasamaan ng iyong ugali na handang makipag-away. Iwasan ang magalit na siyang magdadala ng tamlayan. Iwasan ang mangako dahil walang katuparan. Lucky numbers at color for the day ay 16, 19, 25, 33 at white.

Aquarius - Enero 20 - Pebrero 18

Sa kabutihang nagawa, nga-yon matatanggap ang gantimpala. Magiging pangunahin ang kapakanan ng pamilya bago ang sarili. Isang anak, ang may problema sa love life at pera. Lucky numbers at color for the day ay 18, 19, 37, 42 at sun yellow.

Pisces - Pebrero 19 - Marso 20

Ang sino mang magbenta o manghingi ng tulong ay dapat suriin muna nang mabuti bago paunlakan. Magiging masayahain at madaling malapitan ng kahit sino, ngunit mag-ingat at baka maloko. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 21, 32 at jade green.

Aries - Marso 21 - Abril 19

Ang magmukmok at mag-isip na hindi ka kikilos ay walang pakinabang. Ang maghangad ng kaunlaran ay matatamo kung buo ang loob at kalakip ang sipag, tiyaga at pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 35, 41 at indigo.

Taurus - Abril 20 - Mayo 20

Habang may buhay, may pag-asa. Malaki ang pagkakataon na ang inaasahan ay darating o matatanggap. Kung sipag at tiyaga ang paiiralin, walang paltos na makakamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 33 at jade green.

Gemini - Mayo 21 - Hunyo 21

Maaaring makakilala ng taong  makakatulong sa suliranin tungkol sa trabaho o personal na pangangailangan. Maaa-ring makatagpo ng bagong kakilala at magkaroon ng pangmatagalang relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 34, 36 at shocking pink.

Cancer - Hunyo 22 - Hulyo 22

Ang gagawing desisyon ay may hatid na bunga. Malakas ang ESP kaya ang kutob ay gawin. Huwag magpahiram ng pera dahil  masisira ang iyong pagtitiwala. May magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 37, 40 at electric blue.

Leo - Hulyo 23 - Agosto 22

Iwasan na mag-init ang ulo para mailayo ang sarili sa hindi pagkakaunawaan o basag-ulo. Ang bawa’t tao na makakausap ay nanga-ngailangan ng paliwanag kaya hinahon at pasensiya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 21, 29, 33 at green.

Virgo - Agosto 23-Setyembre 23

Kung itutuloy ang paglalakbay may malaking pakinabangan sa sarili o trabaho. Ang planong paglalakbay ay dapat isakatuparan. Iwasang mamasyal o lumakad nang walang mahalagang sadya. Lucky number at color for the day ay 6, 12, 27, 38 at yellow.

Libra - Setyembre 24- Oktubre 23

Ang pagtulong ay malinis na hangarin subalit ibigay sa tamang nangangailngan nang maiwasan ang malinlang. Mag-ingat sa mama-talim at matutulis na kagamitan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 33, 40 at aqua blue.

Scorpio - Oktubre 24 -Nobyembre 22

Masigla dahil sa pag-ibig. Naaayon ang makipag-date o makipagtagpo sa sinisinta o kasintahan. Ang pag-ibig ay magdudulot ng kasiyahan, kagalakan, gaan ng damdamin at magandang pakiramdam. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 40, 42 at red rose.

Sagittarius - Nobyemre 23-Disyembre 21

Iwasan ang lumagda ng mahalagang papeles o kontrata na hindi nauunawaan nang mabuti. Huwag pilitin ang sarili kung may duda at tiyak kapahamakan ang mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 2, 22, 31, 41 at emerald green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with