^

Kutob

Enero 11, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CAPRICORN
(Disyembre 22- (Enero 19)

May mag-aalok ng trabaho subalit magandang pag-aralan nang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang hanap-buhay. Nasa pagitan ka ng pagkakamali at tama. Panalangin ang kailangan para magkaroon ng patnubay. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

AQUARIUS
(Enero 20 - Pebrero 18)

Alam mong tama ka, subalit lalong maganda kung huwag kang makialam sa desisyon ng iba. Harapin ang sariling suliranin dahil may kalutasan kung pagtutuunan ng pansin. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

PISCES
(Pebrero 19 - Marso 20)

Nasa kondisyon ka at han-
dang harapin ang ano man. Magiging masayahin na halos lahat ng kakilala ay magugulat sa asal na ipapakita. Isa lamang ang dahilan, pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at cream.

ARIES
(Marso 21 - Abril 19)

Ang tahanan ay siyang mapagtutuunan ng pansin. Magiging mainitin ang ulo sa mga kaguluhang makikita. Hinahon ang kailangan nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at gold.

TAURUS
(Abril 20 -Mayo 20)

Magtatagumpay sa nilalakad. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balita na masasagap. Maganda ang takbo ng pa-ngangalakal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

GEMINI
(Mayo 21 -Hunyo 21)

Dagdagan ang tiyaga at manalangin para makaiwas sa bulilyaso. Maraming pagkakamali ang magagawa ngayon. Hinahon at dahan-dahan ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

CANCER
(Hunyo 22 -Hulyo 22)

Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa gustong mang-yari. Maraming gustong ga-wing pagbabago ngunit mahihirapan na magpaliwanag sa kinauukulan. Maging tapat sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at old rose.

LEO
(Hulyo 23 - Agosto 22)

Malamang manghiram ng pera ang isang kaibigan su-balit dapat tanggihan dahil matatagalan bago mabayaran. Huwag magalit sa payong maririnig, mabuting pag-aralan nang mabuti bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 24, 30 at silver.

VIRGO
(Agosto 23- Setyembre 23)

Malakas ang tiwala sa sarili at positibo ang pag-iisip sa mga gawain o ginagawa. Walang suliranin sa pamilya o minamahal. Nasa tamang landas ng kasaganahan ang tinatahak sa kabuhayan at pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)

Ano mang paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang sosyalan. Pag-aralan nang mabuti ang kasulatan o kasunduan bago lagdaan. Ipagpaliban muna ang balak na paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at pink.

SCORPIO
(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Magrelax o mamasyal dahil makakatulong na manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Magiging ma-kitid ang isip kaya iwasan ang mapikon at madaling mag-init ang ulo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

SAGITTARIUS
(Nobyemre 23 -Disyembre 21)

Ang tunay na kaibigan sa ginhawa at kagipitan ang damayan. Kukumpirmahin ng pagkakataon ang tunay na kaibigan. Maganda ang balita dahil magiging maligaya ang love life. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at
dollar green.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with