^

Kutob

Enero 9, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CAPRICORN(Disyembre 22- (Enero 19)

Busy pero masaya. Walang problema at magiging tahimik ang araw. Malamang may imbitasyon subalit mas mananaig ang tumigil sa bahay kapiling  ang mga mahal sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 18, 38 at avocado green.

AQUARIUS(Enero 20- Pebrero 18)

Kung may magyayaya, tiyak na hindi mapapahiya dahil hilig mo ngayon ang mamas-yal. Mag-ingat dahil malapit ka sa hold-up o snatchers. Huwag magtiwala sa bagong makikilala. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 28, 42 at gray.

PISCES(Pebrero 19- Marso 20)

Abo’t kamay ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa. Kung ang minamahal ay nasa malayo, huwag mabahala dahil tapat at mahal ka niya. Huwag lingunin ang mang-aakit dahil malapit ito ngayon sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 25, 39 at silver o gray.

ARIES(Marso 21- Abril 19)

Maaaring palagi kang busy sa trabaho subalit dapat bigyang halaga at panahon ang mga minamahal. Pag-ibig ang nagpapaikot sa mundo, hindi tagumpay at hindi rin papuri o salapi. Lucky numbers at color for the day ay 13, 18, 24, 34 at light pink.

TAURUS(Abril 20-Mayo 20)

Kung may nagpapatibok ng iyong puso, walang masama kung kilalanin muna nang husto ang pagkatao. Alalahanin ang sariling kapakanan ang nakataya kaya dapat lang na iwasan ang kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 19, 29, 45 at green.

GEMINI(Mayo 21-Hunyo 21)

Kung ang balak ay umunlad, ngayon ang tamang panahon sa pagbabago ng ugaling tamad, tsismosa at walang plano sa buhay. Tatahakin ang landas ng kaunlaran kung babaguhin ang mga pagkakamaling nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 11, 14, 28, 40 at orange.

CANCER(Hunyo 22-Hulyo 22)

Kung papansinin ang intriga, biro o kantiyaw, tiyak talo ka dahil hindi mo kayang pigilin ang iyong sarili na magalit. Dumistansya ka muna sa palabiro lalo na sa  tsismosa. Lucky numbers at color for the day ay 14, 35, 37, 44 at blue.

LEO(Hulyo 23- Agosto 22)

Alam ng sarili kung ano ang kahinaan na dapat baguhin. Kung sisimulan ngayon ang pagbabago lalo kang suswertehin. Maganda ang iyong intesyon, ngunit kulang ang iyong implementasyon na dapat ayusin. Lucky numbers at color for the day ay 16, 23, 41, 42 at yellow.

VIRGO(Agosto 23-Setyembre 23)

Masaya ang iyong araw at walang magiging problema sa tahanan o trabaho ngunit magiging sensitibo ka kung mapag-usapan ang mga problema. Ang mabuting gawin ay magsipag ang sarili para may matapos ka. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 35, 39 at fuchsia.

LIBRA(Setyembre 24- Oktubre 23)

May mga mahalaga kang bagay na dapat ayusin. Gawin ito ngayon dahil kung pababayaan, hindi na pakikinabangan. Kung hindi magagampanan nang maayos para ka na ring nagtapon ng bahagi ng iyong kinikita. Lucky numbers at color for the day ay 3, 8, 17, 33 at lavender.

SCORPIO(Oktubre 24-Nobyembre 22)

Nasa tamang direksyon ang iyong kaunlaran, kaya ituloy ang sinimulan. Matutupad ang pangarap kung hindi lilihis sa tamang landas ang pagpaplano, sikap at tiyaga. Magiging abala ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 34, 41 at peach.

SAGITTARIUS(Nobyemre 23-Disyembre 21)

Magpasalamat kung ano ang mayroon ka. Kung ang hangad ay umunlad, simulan ang plano. Sariling kagagawan kung ano ang nagiging situwasyon sa kasalukuyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 10, 32 at indigo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with