^

Kutob

Enero 7, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS
Enero 20- Pebrero 18

Pag-aralan nang mabuti ang payo bago isaalang-alang at pumalaot. Kung may suliranin, may paraan na malutas kung hindi idaraan sa dahas at init ng ulo. Huwag magpabigla-bigla dahil pagsisisi ang aabutin. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 41 at maroon.

PISCES
Pebrero 19- Marso 20

Ang taos-pusong pasa-salamat sa mga biyayang tinatamasa ay lalong magbibigay suwerte. Lingunin ang pinanggalingan at tiyak makakarating sa patutu-nguhan. Ngayon ang panahon para magbigay alaala sa taong nakatulong. Lucky numbers at color for the day ay 14, 17, 34, 43 at sky blue.

ARIES
Marso 21- Abril 19

Taglay ngayon ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik o pagtuklas. Makakatawag ka ng pansin sa bawa’t taong makakausap. May magandang aral na mapupulot ang iba mula sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 9, 23, 33, 38 at jade green.

TAURUS
Abril 20-Mayo 20

Taglay ang sigla subalit madali kang mapikon. Kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba may magtatampo. Iwasan na mag-init ang ulo o magalit dahil lalayuan ka nang magandang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 17, 27, 37, 40 at light green.

GEMINI
Mayo 21-Hunyo 21

Ang maliit na suliranin sa minamahal ay malulutas. Huwag mag-alinlangan at iwaglit ang duda dahil mahal ka niya. Kung may duda sa katapatan ng minamahal nagkakamali ka. Iwasan ang magselos kung walang matibay na basihan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 31, 38 at brown.

CANCER
Hunyo 22-Hulyo 22

Maging mahinahon at pairalin ang pagkamaunawain dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at madaling mag-init ang ulo. Huwag magpabigla-bigla at magpasensiya. Kung may gagawing desisyon, pangalagaan ang kapakanan. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ay 21, 38, 41, 44 at red.

LEO
Hulyo 23- Agosto 22

Ang paglilibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit may mahalagang bagay na dapat tapusin. Ngayon ang tamang panahon sa pagpaplano sa bagay na gustong simulan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 33, 39 at aqua blue.

VIRGO
Agosto 23-Setyembre 23

Ang mga pagkakamaling nagawa ay dapat na maging aral na hindi na mauulit. Anuman ang gagawin, tiyakin ang kalalabasan at kung ito ay magiging katanggap-tanggap at walang pagsisisihan. Kung may duda, huwag ituloy. Lucky numbers at color for the day ay 14, 30, 40, 42 at yellow.

CAPRICORN
(Disyembre 22- (Enero 19)

Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Taurus ang makikilala ngayon, malamang magkaroon kayo ng karelasyon at magkatuluyan. Isang kaibigan o kamag-anak ang hihingi ng tulong o payo. Ituloy ang balak dahil may mapapala. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 32, 40 at red.

LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)

Kung may kagalit sa nakaraan, ngayon ang tamang panahon para makipagbati. Malakas ang iyong karisma kaya walang dahilan para ikaw ay matanggihan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 38 at orange.

SCORPIO
Oktubre 24-Nobyembre 22

Kahit sa kahirapan basta’t kapiling ang minamahal, kunteto at maligaya ka. Kung malayo ang minamahal dahil sa hanapbuhay, huwag malungkot dahil sa sipag at pagtitiis, makakamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 30, 42 at violet.

SAGITTARIUS
Nobyemre 23-Disyembre 21

Kung kapos sa pera o gamit, huwag mag-alala dahil nasa tamang landas ang kaunlaran, kung iiwa-san ang hindi magandang iniisip. Iwasan na gumawa nang labag sa batas o hindi matatanggap ng tao dahil tiyak na mabubuking. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 34, 35 at blue.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with