PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Horoscope

AQUARIUS
(Enero 20- Pebrero 18)

Malulutas ang kagipitan kung pagsisikapan na hanapan ng solusyon. Kung ano ang magandang naisip, kilos kaagad. Manatiling mahinahon.
Layuan ang mga taong mapupusok dahil maaaring ipahamak ng mga ito. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 28, 31 at indigo.

PISCES
(Pebrero 19 - Marso 20)

Magkakaroon ng kaukulang paliwanag ang isang akusasyon o pagbibintang. May darating na bagay buhat sa ibang bansa. Hindi mapapawi ang nararamdamang pangungulila, dapat paglabanan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 24, 31, 43 at jade green.

ARIES
(Marso 21 - Abril 19)

Baka maturuan ka ng leksiyon sa pangyayaring masasaksihan. Mahalagang pakinggan ang binubulong ng konsen-
siya na magiging hakbang para sa kapakanan ng minamahal. Itikom ang bibig upang hindi mapa-away. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 34, 44 at orange.

TAURUS
(Abril 20 -Mayo 20)

Magiging mailap ang kapayapaan ng kalooban. Patawarin ang taong kinaiinisan upang Matahimik ang kunsensya. Ituloy ang nasimulang gawin. Maging alerto sa ginagawa upang  hindi magkamali  o mapahamak. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 27, 33 at red.

GEMINI
(Mayo 21 -Hunyo 21)

Mapapatunayan sa sarili na ang sinayang na panahon ay hindi na maibabalik. Ituloy ang nasimulang trabaho dahil may biyayang naghihintay. Iwasan ang anumang uri ng sugal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 18, 26 at green.

CANCER
(Hunyo 22 -Hulyo 22)

May mga pagkakamali kang magagawa kung hindi mag-iingat. Malamang may dadalaw na kaibigan mula sa malayong lugar. May magandang oportunidad na naghihintay kung makakadalo sa isang pagtitipon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 26, 43 at moss green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

LEO
(Hulyo 23 - Agosto 22)

May intriga kang maririnig na sisirain ang iyong interes. Huwag padala sa intriga at ituloy ang gawain o binabalak. Magpasalamat dahil makakamit ngayon ang matagal nang plano. Malamang makasama ang pamilya sa isang lakaran. Lucky numbers at color for the day ay 3, 16, 27, 32 at lavender.

VIRGO
(Agosto 23- Setyembre 23)

Iwasan ang usapan na karaniwang ugat ng hindi pagkakaunawaan. Huwag magpadala sa pagka-agresibo ng kaibigan upang hindi ma-damay. Panatilihin  ang tiwala at respeto ng kasambahay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 25, 42 at turquoise.

CAPRICORN
(Disyembre 22- (Enero 19)

Ikundisyon ang isip at katawan. Kailangan ang pisikal na lakas para harapin ang problema. Alisin ang galit na namamahay sa dibdib. Magpatawad sa mga taong nagkasala upang gumaan ang hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 1, 29, 35, 40 at gray.

LIBRA
(Setyembre 24- Oktubre 23)

Matutuklasan ang sariling potensyal kung paano mapapakinabangan. Ituloy ang naudlot na mithiin at tiyak magtatagumpay. Ilang kaibigan ang tutulong na maituwid ang maling pananaw tungkol sa usaping pag-ibig o hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 30, 36 at pink.

SCORPIO
(Oktubre 24 -Nobyembre 22)

Sasangayon sa panukala ang mga nakakataas. Mabibigyan ng kahalagahan ang pagsisikap. Lingunin ang pinanggalingan para makarating sa papatu-nguhan. Lucky numbers at color for the day ay  2, 15, 27, 32 at tangerine.

SAGITTARIUS
(Nobyemre 23 -Disyembre 21)

Isulong ang planong pang-kabuhayan na naiisip sa nakalipas na mga buwan dahil may biyayang naghihintay. Mapagtutuunan ang hamon ng oportunidad
na kusang darating. Lucky numbers at color for
the day ay 1, 17, 25, 38
at fuchsia.

 

 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: