PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 30, 2017

Pagtitibay: Ang pag-iingat ay pagpapahalaga at pagpaparangal sa biyaya ng magandang kalusugan at buhay mula sa Maykapal. Kaya paalala lang, huwag magpapaputok!

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Matatagpuan ang katahimikan sa piling ng minamahal. Magiging masigla ang love life. Kung may lihim o may itinatago sa minamahal, ngayon ang panahon para ipagtapat dahil madali ka niyang mauunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 27, 39 at lilac.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Huwag magpa-apekto sa anumang mga pangyayari sa kapaligiran. Ang mahalaga ay matugunan ang kailangan ng sariling kapakanan. Ang problema sa tahanan ay huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 5, 20, 33, 40 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Kung may usok, may apoy, ‘yun ang kasabihan. Subalit hindi lahat ng usok ay nagmumula sa apoy. Kung may balitang masasagap na ikapuputok ng butsi, alamin muna ang puno’t dulo bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 19, 29, 36 at peach.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pa­naginip ay bunga ng tulong subalit sa pagkakataong ito, kung nanaginip ay magkakatotoo. Bagaman may dulot na sakit sa ulo ang kasambahay o kasamahan sa trabaho, may partisipasyon naman ito sa mga gawain na ikakatuwa mo. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 39, 41 at cream.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – May makakatagpo nang hindi inaasahan. Maaa­ring siya ay dating kasintahan, kaaway o kaibigan na matagal nang panahon na hindi mo nakita. Lucky numbers at color for the day ay 14, 15, 31, 32 at pink.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mabait, maunawain at matulungin ka. Mag-ingat dahil ang nakapaligid na alam ang iyong ugali ay pagsasamantalahan ka. Kilatisin muna ng mabuti ang anumang bagay bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 12, 22, 39, 43 at cannary  yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang mga biyayang tinatamasa ay bunga ng pagsisikap na ipinagkaloob ng Maykapal. Dapat lamang ang tuwinang pagpapasalamat sa kanya at sa mga taong nakatulong. Nasa tamang landas ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 22, 44 at green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Kung sisimulan ang matagal nang balak, may kaunlaran na naghihintay. Kung hindi masisimulan, bibilang ng taon ang asensong hinahangad. Huwag aksayahin ang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 33, 43 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ipanalangin na hindi matuloy ang maitim na balak ng isang malapit na kaibigan, kamag-anak o kasamahan laban sa iyo. Malamang may magtatraydor. Ang inaasahan ay hindi mangyayari. Lucky numbers at color for the day ay12, 21, 29, 39 at purple.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Hindi maiiwasan ang makipagtalo kung nakikipagpalitan ng kuru-kuro, ngunit maiiwasan ang makipag-away kung magiging mahinahon. Self-control ang pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 24, 28, 35 at beige.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung hindi maaalis ang duda sa minamahal, magiging negatibo at malabo ang relasyon. Ang tiwala ay matibay na pundasyon ng pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 25, 41 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Gawaing kaaya-aya at walang kasing sigla ang tungkuling naka-atang sa balikat, kaya huwag balewalain dahil dito nakasalalay ang araw-araw na pangangailangan. Kung naging matamlay dahil sa liit ng sahod, gawan ng matinong paraan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 27, 36 at blue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: