PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 26, 2017

Pagtitibay: Ang biyaya ng proteksiyon at kaligtasan ay dumadaloy sa bawat miyembro ng aking pamilya. Ligtas ang pusong nanalig at nagtitiwala sa Manlilikha ng mundo.

CAPRICORN (Disyembre22 - Enero19) – Mahalaga ang pagkakaunawaan at pagkakasundo ng mga tao sa loob ng tahanan. Hindi matatakpan ng karangyaan ang anumang pagkukulang sa aruga at kalinga. Madaling mababagabag ang kalooban.Walang magiging balakid sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 9, 26, 34, 41 at blue.

AQUARIUS (Enero20 - Pebrero18) –Ang nakakataas sa trabaho ay madaling mabigyan ng kasiyahan. Makakatulong ang opinyon ng ilang matatandang kasama sa tahanan o pinapasukan. Ang simula nang kaguluhan sa relasyon ay nagmumula sa isang tsismosong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 39, 40 at indigo.

PISCES (Pebrero19 - Marso20)  Magiging maganda ang panahon kung iiwasan ang pakikipagtalo o lumikha ng gulo. Sa paligid ay huwag makialam maliban sa sarili. May tawag na magbibigay kasiyahan o kagalakan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 4, 30, 35 at aquamarine.

ARIES (Marso21 - Abril19) Umaayon ang pagkaka­taon upang baguhin ang masasamang kaugalian. Ma­kakasagupa ng taong masama ang ugali kung iturin. Subalit huwag magtaka dahil salamin ito ng sarili. Sa pagka­kamali manggagaling ang pagtutuwid. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 21 at tangerine.

TAURUS (Abril20 - Mayo20) – Ang pagsasama ng magkaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Ang katalinuhan ay kailangan upang mapagtagumpayan ang mga gawain o proyekto. Maging maagap sa mga pangyayari sa kasalukuyan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 30, 33 at ivory white.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo21) – Maisasaayos ang suliranin tungkol sa salapi  o pinansiyal. Magdudulot ng sagabal ang maliliit na bagay na hindi napagtutuunan ng pansin. Magpahinga at kalamayin ang sarili kung makakasagupa ng suliranin upang makapag-isip ng magandang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 16, 21, 34, 31 at yellow.

CANCER (Hunyo22 - Hulyo22) – Ang pakikipag-date ay inaayunan ng panahon. Magiging maligaya at makulay ang romansa. Isang surpresa ang naghihintay sa tahanan o pinapasukan. Huwag pansinin ang biro o kantiyaw ng kaibigan o kasamahan upang maiwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 14, 34 at strawberry red.

LEO (Hulyo23 - Agosto22) – Maaaring katangi-tangi at mapapakinabangan ang tulong ng kaibigan. Posible ang hindi inaasahan na magandang pangyayari. May dulot na maligayang karanasan ang sosyal na pakikisalamuha. Iwasan ang makasakit ng damdamin at tigilan ang walang kabuluhang pagbibiro. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 32, 33 at purple.

VIRGO (Agosto23 - Setyembre23) – Kung may naiisip gawin huwag ipagpabukas at simulan kaagad. Ang magneto ng karisma ay malakas. Maaaring mula sa koreo o makabagong teknolohiya ay makakatanggap ng balita mula sa ibayong dagat. Ang kutob ay magkakatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 23, 38, 40 at red.

LIBRA (Setyembre24 - Oktubre23) –Ipagpaliban ang binabalak. Huwag ituloy kung may balak na paglalakbay. Hindi makukuha ang gustong mangyari ngayon.Huwag tanggapin ang anumang alok mula sa kaibigan o kasamahan. Malamang magkakaroon ng kaunting tampuhan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 22 at blue.

SCORPIO (Oktubre24 - Nobyembre22) – Ipagpaliban ang binabalak na gawin o pamamasyal. Maaaring hindi magiging maganda ang pagdalaw sa kaibigan, kapitbahay o kamag-anak. Kung may suliranin sa pera, may paraan sa tulong ng iba. Luckty numbers at color for the day ay 4, 11, 31, 40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre23 - Disyembre21) – Ma­ging maingat sa pagpili ng kaibigan. Ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mga taong propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanapbuhay. Ang matinding simbuyo ng kalooban ay maaaring maghatid ng kapahamakan. Ang hindi pagkakaunawaan sa nakaraan ay malulunasan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 11, 32, 35 at magenta.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: