PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 24, 2017

Affirmation: Ang dakilang pag-ibig ng Maykapal ang magpapalaya sa lahat nang may pinagdaraanan sa buhay. Maniwala nang may pananampalataya sa Kanya.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang pag-iingat ay dapat laging isipin sa lahat ng bagay. Huwag nang lumayo nang tingin. Ang matagal nang hinahanap ay maaaring nasa harapan o nasa paligid lamang. Inaayunan ng panahon ang pagsisimula ng magandang hinaharap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 28 at blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang hindi inaasahang pangyayari ay magbibigay sigla sa pag-ibig. May posibilidad na mahirapan sa pagtupad ng pangako. Panatilihin ang kahinahunan sa magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 23, 33 at dirty white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May taong sa­salungat sa binabalak subalit ang mabilis na pag-iisip at lakas ng kamalayan ang mangingibabaw. Matutong igalang ang opinyon ng iba. Mananaig ang pamamasyal o paglilibang kasama ang ilang kaibigan kaysa pumasok sa opisina subalit dapat isaisip na may responsibilidad at tungkulin na dapat gampanan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 32, 41 at silver.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung anuman ang hinihintay, huwag nang asahan dahil malabong darating. Iwasan ang magalit na siyang maaaring ikataas ng presyon. Mag-ingat sa pagkaing mahirap matunaw. Ang mga kaibigan ay madaling malapitan at maaasahan ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 15, 24 at honey yellow.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Iwasan ang paanyaya ng mga kaibigan. Kailangan ang disiplina sa sarili para makamit ang minimithi. Iwasan ang padalus-dalos sa pagpapasiya. Magkakaroon ng pagkakataon para maisagawa ang hinahangad. Maiaangat ang hirap na kalagayan sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at pearl pink.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang panahon ay ginto kaya kumilos kaagad kung ano ang magandang iniisip. Bagamat tinatamad, matutuwa kang makitang natapos ang mga gawain. May ilang mga bagay na dapat isaayos na mangangailangan ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 32, 41 at garnet red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang marunong magpahalaga sa tungkulin ay may kaunlaran sa buhay na dapat simulan na gampanan ngayon. Malulutas ang matagal nang gumugulong suliranin. Ang kasipagan ay siyang puhunan sa tagumpay na dapat panatilihin. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 18, 32 at citrine yellow.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Hindi matatapos ang problema kung hindi haharapin at hahanapan ng solusyon. Hindi sa lahat ng oras ay magagawang hayaan at iwasan ang suliranin. Isang lihim ang hindi sinasadyang matutuklasan, may palatandaang patungo sa katuparan ang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at peach.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Matatapos ng maayos ang mga gawaing sinimulan. Huwag kaagad-agad magbigay ng reaksyon sa pangyayari. Pag-aralang mabuti saka ipahayag ang sariling opinyon. May balitang matatanggap na siyang magbibigay kulay sa iyong araw. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May magandang impormasyon na matatanggap, kaugnay ito sa matagal mo nang gustong malaman. Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay o salita, bagkus ipinapakita sa kilos at gawa. Paglabanan ang kapusukan upang maiwasan ang naka-ambang kaguluhan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 40 at violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Suriing mabuti ang landas na tinatahak upang hindi maligaw. Isang bagong pag-ibig ang sisibol. Ang negosyo ay magiging matumal subalit makakabawi sa darating na araw. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 28 at cherry red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Pakinggang mabuti ang kutob ng kalooban nang hindi magkamali sa pagdedesisyon. Maging positibo, isipin na kahit ano ang gawin, maging matatag at tagumpay ang kalalabasan. Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at avocado green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: