PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 22, 2017

Pagtitibay: Lahat ng bagay ay maganap nawa sa akin, ayon sa kaloob ng Maykapal.   Suriin mabuti ang bawat karanasan dahil dito matutuklasan ang diwa ng karunu­ngan ng Diyos at aangat ang iyong buhay.

CAPRICORN  (Disyembre 22- Enero 19) – Sikaping maging maagap sa lahat ng bagay. Hindi magiging lubhang abala. Ang problema tungkol sa magulang ay madaling malulutas. Walang dahilan upang magalit o malungkot. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 22, 36 at orange.

AQUARIUS  (Enero 20- Pebrero 18) – Malulutas ang bagay na gumugulo sa isipan. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. May pagkakataon na maisasaayos ang problemang taglay. Iwasan ang labis na kapaguran alang-alang sa kalusugan. Maglaan ng panahon sa pagpapahinga. Lucky numbers at color for the day ay  2, 7, 33, 34 at dollar green.

PISCES  (Pebrero 19- Marso 20) – Ang lahat ng kabutihang ginagawa ay may kapalit na biyaya mula sa ibang tao. Masaya ang pakikisalamuhang sosyal. Ang araw ay makulay dahil sa pag-ibig. Lucky numbers at color of the day ay 9, 16, 22, 38 at lemon green.

ARIES  (Marso 21- Abril 19) – Pag-ukulan ng pagsisikap ang trabaho, nandiyan ang pakinabang. Huwag agad-agad maniwala sa mga tsismis na maririnig. Mapamaraan na pakikitungo ang dapat gawin sa mga kasamahan. Ang pakikipagtulungan sa mga kaanak ay mahalaga. Lucky numbers at color for the day ay  7, 16, 20, 33 at garnet red.

TAURUS  (Abril 20- Mayo 20) – Lalong mapapabuti ang kalagayang pinansiyal. May pagkakataong madagdagan ang kinikita. Ang pakikipagtulungan sa minamahal ay magiging kapakipakinabang. Mahalaga na pagtuunan ng panahon ang kaanak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 37, 42 at peach.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang dating hinanakit ay mapapawi kung pagsisikapang ihanap ng solusyon. Posible ang magandang balita na hatid ang isang kaibigan. Madaling mahimok ang mga tao sa iyong paligid. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 30 at jade green.

CANCER  (Hunyo 22- Hulyo 22) – Malaking bagay ang magagawa nang pagtitiwala. Matutuklasan ang isang lihim. Nasa tamang landas ang magandang kapalaran tungkol sa pananalapi. Magkakaroon ng kasiyasiyang romansa. Ang minamahal ay malambing at mapagmahal. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 35 at red.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Walang magiging problema sa tahanan, gayundin sa trabaho o pinapasukan. Maayos ang takbo ng mga gawain. May suwerte ang negosyo. Magiging masaya at makulay ang romansa kung iiwasan ang magselos. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 22, 33 at purple. 

VIRGO  (Agosto 23- Setyembre 23) – Malilimot nang ganap ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ninyo ng isang kasamahan o kasintahan. Malulutas ang ilang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan. Labis na maliligayahan sa suportang ibibigay ng minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 17, 24 at cobalt blue.

LIBRA  (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang magbitiw nang mararahas na pananalita na makakasugat ng damdamin. Huwag umasa sa tulong ng iba, maging sa mga kaibigan o minamahal. Magsikap at magtiyaga upang makamit ang minimithi. Lucky numbers at color for the day ay 7, 17, 18, 35 at brown.

SCORPIO  (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mahalaga ang makatiyak sa anumang gawain. Bigyangdiin ang mga detalye. Sikapin na maging maayos ang lahat nang bagay sa tahanan at pinapasukan. Umaayon ang maikling paglalakbay lalo na kung may kinalaman sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 7, 13, 20 at scarlet.

SAGITTARIUS  (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May kaunting problema sa tahanan na magbibigay ng pagkainis at kalungkutan. Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip para walang masaktan. Mahihingian ng payo ang matalik na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 25, 37 at ivory cream.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: