PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 21, 2017

Pagtitibay: Bawat gawa ng aking mga kamay ay pinagpapala ng Manlilikhang bantayog ng tagumpay.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Alagaan nang buong husay ang trabaho at dito nakasalalay ang buhay. Huwag palampasin ang magandang pagkakataong darating. Ang anumang tagumpay na tatamuhin ay may kakambal na sakripisyo at responsibilidad. Ayusin nang maaga ang suliranin sa loob ng tahanan upang hindi lumala at lumaki. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 18, 31 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – May magandang balita mula sa ibayong dagat. Anumang bagay na may kaugnayan sa pakikipagsapalaran ay huwag pag-ukulan ng pansin. Ang konsentrasyon ay mahalaga, iukol ito sa gawaing ispirituwal upang mabawasan ang suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 30, 35 at squash yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang buong tatag ng sarili ang dapat pairalin ngayon. Ihanda ang kalooban sa suliranin ng pamilya o may kaugnayan sa trabaho. Kailangan ay lamig ng ulo at buo ang kalooban. Magiging matapang sa pagharap ng suliranin at sa paghahagilap ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 23, 35 at brown.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging mataas ang personalidad sa tingin nang iba, kaya bawat sasabihin ay paniniwalaan. Subalit ang pagyayabang ay may kabayarang karma. Ang pagdududa sa anumang bagay ay dapat huwag balewalain dahil may posibilidad na magkakatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 21, 36 at sky blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang suliranin sa pera ay magiging pangunahin dahil sa mga mag-aaral. Malaki ang pagkakataon upang mailagay sa maayos ang mga gugugulin sa pamamagitan nang pagba-budget. Malakas ang impluwensya ng pagkalimot kaya ihanda ang mga dapat dalhin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 21, 34 at green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ang mga nakalinyang appointment ay maaaring magkaroon ng kapalpakan kung walang follow-up. Iwasan ang mangako dahil malilimutan o hindi matutupad. Sa paglalakbay, maaaring magkaroon ng matinding kaabalahan dulot ng trapiko. Makakaramdam ng katamlayan o kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 31, 37 at brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Sa mga binata’t dalaga ngayon ay magiging malakas ang bugso ng damdamin sa pag-ibig. Iwasan ang magkaroon nang hindi pagkakaunawaan dahil sa selos. Sa mga may asawa, mag-ingat sa tukso ng pag-ibig dahil magbubukas ito ng daan sa hindi pagkakaunawaan at sisirain ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 31, 32 at cherry red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang pagbuo ng patakaran at prinsipyo sa tahanan ay tawag ng panahon at pagkakataon. Maaaring ang isang anak ay may ma­tinding problema na dapat agapan ng magulang. Ang pangaral ng magulang ay kailangang buhayin sa loob ng tahanan. Maging makatuwiran sa mga katulong o helpers. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 22, 36 at bone white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May sikretong matutuklasan. Ang pagtuklas ng pagkatao ay hindi masama kung sariling kabutihan at interes ang nakataya. Posibleng isang bagong kakilala ang magpapatibok ng puso. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 25, 30 at peach.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Bukas ang mata at talasan ang pandinig nang makita at marinig ang pangangailangan ng sarili at pamilya. Ang pagwawalang bahala ay magiging daan para makakawala ang maraming biyaya. Ang pagsisimula ng negosyo ngayon ay magiging daan sa pag-unlad. Maging maagap. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 20, 32 at sun yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang tunay na kaibigan ay malalaman sa oras nang kagipitan at ngayon mo ito mapapatunayan. Ang tulong na kailangan mula sa kaibigan ay hindi maaasahan. Nasa sarili ang katuparan ng minimithi kung kikilos at magiging maagap. Lucky numbers at color for the day ay 9, 21, 29, 39 at indigo.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Panatilihin ang konsentrasyon at matinong pag-iisip sa anumang gagawin. Ang bagay na positibong iniisip ay tiyak na magaganap. Huwag magpadalus-dalos sa pagkilos at pananalita. Taglayin ang pag-iingat at nang malayo sa disgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 17, 31 at copper red.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: