PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 20, 2017

Pagtitibay: Ang lahat ay magagawa ko sa kalakasang at karunungan kaloob ng aking Manlilikha.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag magtiwala at ipaubaya ang tungkulin o responsibilidad sa ibang tao dahil magiging daan ito laban sa sarili. Magiging batayan sa ikaliligaya ng minamahal ang pangako kaya huwag mangako kung hindi kayang tuparin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 17, 34, 45 at violet.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Lahat ng bagay na sinimulan ay tiyak na tatakbong ma­ginhawa dahil sa kasiglahan. May kasamahan na naghahangad sa iyong puwesto o katungkulan kaya dapat maging alerto at pag-ibayuhin ang pagganap sa katungkulan. Magsisisi kung tatanga-tanga. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 23, 36 at sky blue.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung may napupusuan, alamin muna ang tungkol sa kanya bago magpahayag ng tunay na damdamin. Maging praktikal at huwag maghangad ng labis na hindi kaya. Ang matagal nang gustong malaman ay malalaman. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 29, 35 at citrine yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Nasa tamang landas ang gustong makamit. Kaunting panahon na lamang ang hihintayin at mapapasakamay ang hinahangad. Huwag mawalan ng pag-asa. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga. Iwasan ang mag-isip ng negatibo. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 7, 31 at maroon.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag magmadali sa hinahangad subalit kung may magandang pagkakataon, kilos kaagad at huwag pakawalan. Pag-isipan nang mabuti ang payo bago magdesisyon. Pag-aralang mabuti ang tinatahak na landas upang hindi maligaw. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 33, 36 at magenta.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Sa pagpapahayag ng saloobin, mag-ingat sapagkat maaaring humantong sa hindi pagkakaunawaan at maging sanhi ng samaan ng loob. Huwag magpadalus-dalos. Pag-isipan ang bawat hakbang bago magdesisyon sa dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 17, 30 at fuchsia.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Marami ang dapat gawin subalit may pagkalito ang isip na magiging dahilan nang pagkaalintana. Lalong mabilis na makakamit ang tagumpay kung makukuha ang suporta ng minamahal o kasamahan. Isang kamag-anak ang maghahatid ng balita na maaaring ikalungkot o ikaligaya. Lucky numbers at color for the day ay 14, 28, 35, 18 at jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –Magandang balita ang matatanggap mula sa malayong lugar na siyang magbibigay kasiglahan. May kasiyahang maidudulot sa mga magulang, kaibigan o kamag-anak. Ang hinihintay ay malamang darating. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 18, 24 at navy blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malakas ang ESP na magagamit sa paglutas ng sariling problema o suliranin ng iba. Nasa panig ang gawaing mental kaysa pisikal. Walang sagabal sa lahat ng gawain. Inaayunan ng panahon ang magsimula ng magandang kinakaharap. Lucky numbers at color for the day ay 6, 13, 28, 31 at cannary yellow.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ayon ang panahon para makipag-date. Huwag mabahala sa mang­yayari at kakampi ang panahon at katuwiran. May kaunting suliranin na lilitaw ngunit huwag maging emosyonal at dadaan lamang ito na parang mabilis na hangin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 15, 25, 30 at mint green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May sa­salungat sa binabalak subalit ang galing mo ang mangingibabaw. Maganda ang takbo ng pananalapi o negosyo subalit huwag magpabaya. Suriin ang mga detalye ng transaksiyon bago pumalaot. Iwasan ang labis na tiwala. Lucky numbers at color for the day ay 28, 29, 14, 22 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Makakatulong nang malaki ang payo ng mga matatanda upang maging matatag sa pagtanggap ng responsibilidad. Iwasan ang mapikon o magalit sa biro at kantiyaw dahil si­sirain ang iyong mood sa buong araw. Ang hindi inaasahang pangyayari ay magbibigay sigla sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 2, 21, 37, 43 at white.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: