PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 18, 2017

Pagtitibay: Nakatakda ang pag-unlad ng aking kabuha­yan. Dahil tapat ang Manlilikha ko may laan nito sa akin.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – May matatanggap na mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o tawag na maaaring makapagbago sa takbo ng gawain. Nasa pagitan ka ng tama at pagkakamali. Tiyakin na hindi magpadalus-dalos sa paggawa ng desisyon o pagpapasiya. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 21, 32 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Iwasan ang mga kaibigan na nagsisimula ang pangalan sa D, M at N. Dahil magbibigay ang mga ito ng hinanakit. Isang kapwa Capricorn o Taurus ang makapagbibigay kasiyahan, kagalakan o tulong. Kung ano ang lalakarin, mabuting gawin na may kasama. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 42 at mint green.

AQUARIUS (Enero 20- Enero 18) – Ang suliranin ay magiging dahilan sa pagka-emosyunal. Sa matutuklasan na lihim na tagahanga, ang lahat ng suliranin ay parang bola na mawawala. Dahil may katapat na tamang solusyon ang mga ito, kaya dapat harapin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 31, 40 at aqua blue.

PISCES (Enero 19- Marso 20) – Pinakamasayang nilikha kung matatapos ang mga gawain. Kilos hangga’t maaga, subalit kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat kung may mangyayaring hindi maganda, malamang magdulot ng sama ng kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 32, 41 at carnation pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag mag-alinlangan at iwasan ang labis na pagseselos sa minamahal dahil malamang hahantong sa matinding tampuhan o hiwalayan. Huwag makinig sa sulsol o tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 22, 40 at silver gray.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mararanasan ang kaligayahan mula sa umaga hanggang gabi. Makakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga binabalak na siyang magiging malaking tulong sa hanap-buhay. May matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 34, 36 at old rose.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kaligayahan ang maglingkod sa kapwa na siyang maghahari sa sarili. Aanihin ang matamis na bunga nang pagtitiis at paghihirap. Maaaring may makilala sa ginagawa, dapat habaan ang pasensiya dahil maaaring madaling mag-init ang iyong ulo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 27, 38 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ipagpaliban ang binabalak na pagbago o pag-aayos ng bahay, pinapasukan o opisina. Huwag magmadali sa pinapangarap at tiyak na darating sa tamang panahon. Isang bagong tagahanga o manliligaw ang darating sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 9, 11, 23, 35 at silver gray.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Bigyang pansin at wastong pag-aalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam, makakabuting magpatingin o kumunsulta sa doktor. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ay dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 31, 42 at avocado green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Panahon ng pagpaplano para sa kinabukasan o pamilya. Ang balak na pagpapakasal ay inaayunan din ng panahon. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sarili. Hangga’t maaari, iwasan ang mangako dahil hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 28, 37, 42 at yellow.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Mag-ingat sa ginagawa upang matiyak na mapalayo sa sakuna. Isang kaibigan ang nangangailangan ng pansin o tulong. Tiyakin na mabigyan ng panahon at pagpapahalaga ang taong lalapit. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 28, 38 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Masayang pangyayari ang malamang na darating. Ang mga kasamahan at kasambahay ay handang makiisa sa gustong gawin. Mahalagang panindigan ang pagpapasiya, maging ito ay tama o mali. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 39 at red ruby.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: