PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Disyembre 13, 2017

Pagtitibay: Bubuhos ang mga pagpapala ng Maykapal. Huwag­ mabahala dahil ito’y para sa lahat nang nagtitiwala sa Kanyang Kadakilaan.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Aaba­lahin ang sarili sa paggawa sa loob ng tahanan. Sa paraang mahinahon, ang suliranin na kasangkot ang ilang kasamahan ay madaling malulunasan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa suliraning pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Hindi dapat madala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa mga dalaga, ang labis na pagseselos ang siyang kikitil sa relasyon. Tiyakin ang sarili bago kumilos sa ano mang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at sun yellow.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang kompli­kas­­­yon tungkol sa salapi sa mga nagdaang panahon ay magkakaroon ng kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa ala­nganing sitwasyon. Huwag pansinin ang mga usapan na walang halaga at masasangkot lamang sa hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at aqua blue.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Ang payong pi­nan­siyal ay isaalang-alang at dapat pag-aralan ng mabuti. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad at malamang maging daan ng bagong relasyon sa pag-ibig. Kailan man ang nagmamadali sa pagpapasiya ay nalalagay sa panganib. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – May mana ang guni-guni na mapapakinabangan sa pagmumuni-muni ng kaunlaran. Taglay ang maliwanag at malikhaing pag-iisip na angkop sa pagpaplano sa kinabukasan. Matatapos ang gawaing nasimulan na walang hadlang at abala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at jade green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang pagsasabi ng totoo kung nasa kalooban ay gawin. Maaaring may pagsubok sa kahirapan, kakapusan o relasyon ngunit matutugunan. Matutupad ang pangakong binitiwan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 10, 16, 34 at yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kung may transak­syon sa negosyo, dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Iwasan ang mga mapagsamantalang kasamahan. May pagbabagong magaganap na dapat paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at garnet red.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Magsimula nang pagba-budget at mag-impok upang may madukot kung may kakailanganin sa hinaharap. Ang walang pakundangang pamimili ay malamang mangyari. Ang tamang pagtitipid ay ka­ilangan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 40 at citrine yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Angkop ang panahon sa pagpapayaman ng katalinuhan at karanasan. Ang magsaliksik ay dapat bigyan ng panahon. Ang nagmamalasakit ay dapat pag-ukulan ng pansin at pasasala­mat. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ang mga taong malapit sa kalooban ay pahalagahan. Mahalaga ang tulong na maibibigay sa iba. Magpasalamat sa pag-tanggap ng suhestiyon o mungkahi. Sa suliraning taglay, hindi tama ang pagwawalang bahala. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Maaaring maitanggi ang pagtulong sa isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang ng pera dahil hindi mababayaran sa tamang panahong ipinangako. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 47, 42 at fuchsia.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na pag-aalaga. Maaaring magpayo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal na dapat bigyang halaga. Kailangang mag-ingat at magtipid sa hawak na salapi. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at neon green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: