^

Kutob

Disyembre 5, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation: Salamat sa grasya ng Maykapal, bayad­ lahat ng mga utang ko. 

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21)Masakit man ang mga katagang iyong marinig, pikit-mata mong tanggapin dahil alam mong may pagkakamali ka. Huwag maghinanakit at isipin na isang leksyon ang nagawa na hindi na dapat maulit kailanman. May mga pagkakamali kang magagawa kung hindi mag-iingat. Lucky numbers at color for the day ay 11, 12, 33, 34 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Halos lahat ng bawal ay napakasarap masubukan o matikman. Sa mga walang pananagutan sa buhay, huwag ibigay o matikman ang ipinagbaba­wal nang wala sa tamang panahon. Dahil malamang na mauwi sa pagsisisi. Sa mga may pananagutan sa buhay, malamang matuklasan ang sagrado na bawal gawin sa iba. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 41 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Kung may negosyo, magsisimula ang pag-unlad. Kung “buy and sell” ang kalakal, magkakaroon ng “potencial prospect” o malamang magsimula ng negosyo na magiging maunlad. Kabaligtaran naman ang tungkol sa pag-ibig, kaya maging mahinahon at maunawain. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 35, 36 at indigo.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Tingnan ng mata, pakinggan ng tainga subalit ang ma­ganda, itikom ang bibig. Huwag magtsismis upang hindi mabaon sa utang. Isipin na ang nakita o narinig ay isang magandang aral na hindi mo makakalimutan. Ang iyong masasaksihan ay makapagbibigay ng magandang aral. Lucky numbers at color for the day ay 12, 17, 23, 44 at orange.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Kung may iti­natago, iwasan na maikuwento sa iba dahil tiyak hindi mapipigilan at marami ang makakaalam dahil ang mapagsusumbungan ay ipagkakalat ito sa iba. Magiging mapaghinala ang minamahal kaya mag-i­ngat sa pakikipag-usap sa iba. Hangga’t maaari, iwasan na makipag-usap sa telepono. Lucky numbers at color for the day ay 19, 24, 32, 33 at red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Mahalagang pakinggan ang mungkahi, pangaral o suhestiyon para sa ikakaunlad o ikabubuti ng negos­yo, pinansiyal o personal. Magpasalamat dahil may ka­ibigan, magulang o kasamahan na nagmamalasakit. Huwag bigyan ng masamang kahulugan ang masasabi sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 10, 20, 33, 34 at green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Ang madalas mong reklamo ay magbibigay ng demerito sa tungkulin. Kung may reklamo tungkol sa trabaho, direktang sabihin sa nakakataas o idaan sa “black and white,” upang maging legal ang basehan. Tiyakin na may matibay na dahilan kung bakit nagrereklamo upang hindi makapalag ang inirereklamo. Lucky numbers at color for the day ay 15, 25, 30, 40 at blue. 

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hindi ma­sama ang umibig basta tiyakin na walang pananagutan sa iba at sang-ayon ang kamag-ana­kan sa magkabilang panig. Magdalawang-isip ka kung may tutol sa iyong pakikipagrelasyon dahil kung magkakatuluyan ang hangad na grasya sa pagsasama ay magiging disgrasya. Lucky numbers at color for the day ay 16, 29, 35, 37 at sky blue.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Magpasalamat kung may kaibigan magsasabi tungkol sa hindi kanais-nais sa iyong ugali upang maituwid kaagad nang hindi lumala. Kung may napuna kang parang nilalayuan ng ilang kaibigan, tiyak na may hindi sila gusto sa iyo. Alamin at ituwid ito bago lubusang mawalaan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 40, 41 at neon green.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Kung may katungkulan at alam na may kamalang nagawa ang nasasakupan, huwag matakot na kumprontahin o bigyan ng leksyon upang maging tapat sa tungkulin, trabaho lamang, walang personalan. Kahit anak at sino paman, huwag kunsintihin kung may kamaliang nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 21, 22, 40, 42 at aqua blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Kung may pangako, huwag kalimutang humingi ng dispensa, bata man o matanda upang hindi masira ang pagkatao dahil may hindi matutupad. Panga­lagaan ang reputasyon dahil ito ang tanging yaman na higit pa sa isang kilong ginto. Lucky numbers at color for the day ay 19, 20, 36, 40 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22)Ang daliri ng kamay ay kailan man hindi pantay kaya huwag ihambing sa sarili ang magagawa ng iba. Ang kaya mo ay hindi kaya ng iba, subalit may kaya ang iba na hindi mo kaya. Iwasan ang palaging binibigkas na katagang bobo o boba, dahil kung may pinag-aralan ang napagsabihan malamang siya ang makapagsasabi nito sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 34, 39 at jade green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with