^

Kutob

Disyembre 2, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay:  Hindi nauubusan ng paraan ang Manlilikha ng mundo. Gagawa siya ang daan para sa ikabubuti mo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Malaki ang iyong magiging impluwensiya at kakayahan sa komunikasyon. May pagkakataon kang maibahagi ang iyong magandang suhestiyon o mungkahi sa mahalagang isyu. Lucky numbers at color for the day ay 14, 27, 36, 42 at bold yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Upang mapanindigan ang sariling kapakanan, kailangan ma­ging matapang at matatag sa pagpapahayag ng sariling panig. Kung inaakalang may katuwiran, ipahayag at huwag tumahimik. Hindi nakakabawas ng pagkatao kung hihingi ng dispensa kung inaakalanag nagkamali. Lucky numbers at color for the day ay 13, 23, 35, 39 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) Sumunod ka sa agos ng mga kasamahan kung ayaw mong magkaroon ng kaaway. Kahit labag sa kalooban, sundin ang gusto ng magulang dahil ang tanging hangad nila ay iyong kabutihan. Magsisisi ka kung ang gusto mo ang iyong gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 39, 40 at red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –Maaaring maganda ang pakiramdam sa hangaring makawala sa impluwensiya ng nakakairitang tao. Subalit magiging kumplikado ang situwasyon. Ang pinakamainam mong gawin ay ituloy ang isang planong matagal nang itinakda. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 23, 40 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang magagawa o gagawin sa iyo ay hindi katakataka dahil salamin lamang ng iyong pagkatao. Ang kabutihan ay may gan­ting kabutihan at ang kasamaan ay  may balik na kasamaan. Kung saan ka napapabilang, ikaw lamang ang nakakaalam. Panahon ngayon nang pagbabago. Lucky numbers at color for the day ay 20, 30, 39, 42 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung may pananaw sa kinabukasan, tutukan ang pag-aaral at pag-angat ng edukasyon. Walang makukuha sa pansamantalang mga barkada o kaibigan dahil iiwanan ka ng mga ito balang araw kung hirap na. Huwag padala sa pansamantalang kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 28, 30, 40 at blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang matalino at tamang desisyon sa pag-iingat ng pera ay kailangan upang hindi kapusin. Husayan ang pagba-budget sa mga gastusin. Iwasan ang pagbili ng mga gamit na hindi gaanong kailangan. May darating na pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 27, 29, 37 at sky blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi makukuha sa pagdarasal lamang ang nais kung hindi magbabanat ng buto. Kung gustong umangat ang antas ng buhay, simulan ang pagsisikap, pagtitiyaga at panalangin. Ang namamahay na pagkatamad ay mabilis na maiwawaksi kung taus-puso ang hangarin sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 33, 40, 41 at neon green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ehersisyo, tamang diyeta at disiplina sa sarili ang kailangan upang mapanatili ang kalusugan. Kung matamlay o hindi maganda ang pakiramdam, huwag hayaan na hindi makapagpa-check-up upang hindi lumala. Kalusugan ang puhunan sa pagbuno nang araw-araw na hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 32, 33 at red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –Kung hangad na mapangalagaan ang kapakanan, alamin at pag-aralan muna ang mga detalye bago pumalaot o magdesisyon. Huwag maging marahas. Praktikal na paraan ang gamitin kung gustong maging tama ang desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 4, 39, 40, 43 at aqua blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang kaganapan sa paligid ay maaaring maka-istorbo sa mahahalagang iniisip o trabaho. Huminto sa ginagawa at bigyan ng kaunting panahon ang nasa paligid, dahil malamang ang sagot sa problema ay matatagpuan dito. Ang positibong pakikitungo sa iba ay may hatid na kasagutan sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 39, 41 at brown.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Gamitin ang praktikal na paraan at hindi panay puso kung tungkol sa pag-ibig ang problema. “Love will jump out the window if poverty knocks at the door.” Kung nagkaroon ng tampuhan ang magkasintahan, panahon na upang pag-isipan ito ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 36, 38 at jade green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with