^

Kutob

Disyembre 1, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Affirmation:  Ang pagkilala sa iyong Manlilikha ay hakbang na mapalakas at mapatatag ang pananalig sa kanyang kapangyarihan at kadakilaan. At ito ay walang iba kundi sa pamamagitan ng kanyang Buhay na Salita.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Harapin ang tungkulin ng buong puso at husay nang maiwasan ang komprontasyon. Bagaman may pagkakataon na wala sa sarili at nakakaligtaan ang tungkulin, pairalin ang talas ng isip sa trabaho dahil may nakakataas na nagmamasid. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 31, 40 at blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Upang makatiyak ng tagumpay, iwasan ang magsimula ng proyekto na hindi pinag-aralan nang mabuti ang in and out o isangguni sa higit na nakakaalam. Baguhin ang ugaling sagot kaagad at sa bandang huli ay magsisisi. Ang mga pangit na impluwensiya sa pagkatao ay dapat baguhin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 27, 39 at yellow.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magandang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Magiging masaya at maligaya, huwag lamang mahaluan ng selos. Kung may kaunting gusot sa pamilya, madaling mabibigyan ng solusyon, huwag lamang idaan sa init ng ulo. Kung magiging maunawain at mahinahon, magiging masaya ang buong araw. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 23, 33 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –Walang perpektong relasyon at maaaring magkaroon ng hindi pagkakaunawaan. Sa mga may asawa at maging sa magkasintahan, may araw na hindi nagkakaunawaan ngunit madaling maresulba kung magiging mahinahon at pakikinggan ang kabilang panig. Ang selos ay kakambal ng pag-ibig, huwag lamang sobra. Lucky numbers at color for the day ay 3, 13, 23, 39 at red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag balewalain ang pag-iingat upang maiwasan ang aksidente o makasakit ng ibang tao. May mga pagbabago kang dapat gawin at kung magagawa, lalandasin ang tamang daan ng kaunlaran. May dapat kang pakinggang suhestiyon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 2, 26, 37 at navy blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Sundin ang tibok ng puso at dikta ng isip. Huwag magpadala sa sulsol upang hindi masira at makaperhuwisyo sa iba. Hindi mawawalan ng ahas sa gubat. Huwag patulan ang mga intriga. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 27, 28 at peach.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Pakinggan ang panig ng iba. May pagkakataon na ipagpilitan mo ang iyong ideya na magreresulta sa hindi pagkakaunawaan. Kahit sa akala mong tama ka, nararapat lamang makinig sa katuwiran ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 36, 44 at green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang short term goals ang dapat pagtuunan ng pansin at pagsikapan. Iisantabi muna ang malaking bagay na hinahangad dahil lalo lamang malulungkot. Ibayong sikap ang gawin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 26, 29, 30 at cream.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Malaki ang kumpiyansa sa sarili kaya walang puwang para magkamali. Marami kang magagawa. Ang pagiging positibo sa isip ay siyang landas sa tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 39, 43 at fuchsia.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –Kakaharapin ang hamon ng iyong pagtitimpi sa taong makulit at mahirap umunawa, kaya maghunos-dili upang hindi maharap sa gulo. Lubos na pag-unawa at pasensiya ang kailangan ngayon sa tahanan, sa trabaho at maging sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 5, 26, 42 at peach.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Sa halip na harapin ang pressure ng sarili, pressure sa tahanan, kaopisina, kasamahan o maging sa kaibigan ang babalandra sa’yo. Maaaring maharap ka sa pagkalito o pagsubok. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 3, 39 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang iyong gustong gawin ay nangangailangan ng oras para maipaliwanag, dahil sa kanilang katangiang may pagkakonserbatibo. Habang taglay mo ang kalayaan ng iyong isip at damdamin na walang pressure, gawin ang nararapat na inaakalanag ikakabuti. Lucky numbers at color for the day ay 13, 19, 29, 44 at brown.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with