^

Kutob

Nobyembre 25, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Tinanggap ko na ang kagalingan, dulot nang bawat sakripisyo ng aking Manlilikha sa krus. Ako ay magaling na!

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Matalas ang kaisipan kaya madaling matuto sa anumang bagay, kung paglalaanan ng panahon ang pagdalaw sa libingan, tiyak na magiging magaan ang pakiramdam. Matutugunan ang mga mahalagang pangangailangan kung hahanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 30 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Makaka­tagpo ng bagong kaibigan sa pagtitipong dadaluhan. Iwasan ang mabasa ng ulan o ambon dahil madaling kapitan ng sipon o trangkaso. Huwag magpatuyo ng pawis sa katawan dahil magiging mahina ang pulmon. Lucky numbers at color for the day ang 18, 36, 34, 30 at peach.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung may makatagpo na sasalungat sa panukala, huwag mawalan ng lakas ng loob sapagkat nakataya ang sariling kapakanan. Mahaba ang pasensiya subalit kapag sumagad ay sisiklab na parang lumiliyab na apoy sa galit, kaya hinahon ang kailangan. Mula sa karanasan iwasan ang magkamaling muli. Lucky numbers at color for the day ang 7, 25, 40, 41 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Walang sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Samahan ng dalangin ang gagawing pagtatapat upang positibo na makamit ang minimithi. Malamang magkakaroon ng magandang relasyon sa isang bagong kakilala. Naaayon ang panahon sa pagsama sa mga kaibigan. Malulutas ang mga bagay na madalas gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 14, 22 at red rose.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Tungkulin ang sumunod sa ipinapagawa. Magiging masungit at makasarili ang iyong ugali ngayon. Huwag masamain ang iuutos ng magulang o nakakatanda. Matutong magtimpi at maging mahinahon sa anumang sitwasyon. Iwasan ang magalit at magmura. Lucky numbers at color for the day ang 6, 11, 13, 40 at silver gray.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hindi maiiwasan na manumbalik ang mga ala-ala nang nakalipas. Gaya ng mga nakalipas, hindi makakaligtaan ang obligasyon sa pagdalaw ng puntod ng mga yumao. Iwasan na magkaroon ng alitan at tiyak hindi ka papatalo, kahit wala sa katuwiran. Lucky numbers at color for the day ang 3,5, 22, 39 at white at blue.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Mapaghinala ang kasintahan o ang minamahal kaya kaunting ingat kung may itinatagong sikreto. Isang payo ang maaaring matangap, huwag itong ipag-kibit-balikat, sa halip ay pag-aralan bago ikonsiderang sundin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 26, 33 at beige.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang mga katulong ay dapat na tumanggap ng makataong pagtingin at pang-unawa. Palawakin ang sirkulo ng pakikipag­kapwa tao lalo na sa mga kapus-palad. Maging mapamaraan at tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa gawa. Lucky numbers at color for the day ang 2, 6, 20, 36 at rose quartz.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) – Kahit gaano kahirap ang buhay, kung papairalin ang sipag at tiyaga, makakaahon. Naaayon ang panahon sa paglalakbay. Iwasan malungkot at magalit. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 24, 30 at light blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Bagay ang panahon sa pakikipagkasundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao, ang magpatawad ay maka-Dios. Magiging maganda ang pasok ng pera kung may negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 20, 32 at orange.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) –  Hindi panahon para baguhin ang dating mga binabalak. Huwag padala sa sulsol ng iba. Gawin ang anumang gustong mangyari kung ito’y makakabuti sa lahat at sa sarili. Ang mga kasamahan ay nangangailangan ng gabay at payo. Lucky numbers at color for the day ang 3, 5, 33, 40 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Angkin ang lakas ng ESP na makakatulong sa kaibigan na may malaking suliranin. Lumalandas sa kaunlaran ang pakikibaka sa mga gawain. Panahon nang ilantad ang kakayahan at estilo sa nakaatang na mga gawain. Ang kaalaman ay kailangang ibahagi sa mga nasasakupan upang makagawa ng tamang paraan sa gawain. Lucky numbers at color for the day ang 6, 24, 28, 34 at green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with