^

Kutob

Nobyembre 22, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Bantayan ang intensiyon ng puso. Dahil may pag-ani sa anumang hangad na ikasasama ng iyong kapwa.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag kaagad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang paggawa ng desisyon ay hindi minamadali at lalong hindi basta-basta. Alalahanin na  ito ay dapat na pinag-iisipan nang mabuti. Kung hindi nakakatiyak, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33, 40 at violet.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Manatiling mapagpakumbaba at huwag maging mayabang dahil ang balik ay kahihiyan. Magiging mataas ang iyong pride na kapag walang self control, mapapasubo at mapapahiya sa karamihan. May sasalungat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Iwasan na maging dahilan ng sakit ng ulo ng kapwa. Huwag hayaang mainis ang karamihan sa iyo. Kung ano ang gusto, huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ito ang ikasira. Bawat kilos, tiyakin na ang pabor ay nasa panig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng tunay na pagmamahal at hindi mababawasan ang pagkatao. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal kaya dapat lamang alagaan nang hindi masira ang tiwala. Lucky numbers at color for the day ang 3, 15, 19, 38 at red.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Ang nararamdamang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapaglakbay sa ibang lugar upang maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – May mga bagay na pinagdududahan sa minamahal, upang makasiguro sa nais malaman, kausapin nang masinsinan ang sinisinta nang maliwanagan. Huwag kimkimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansiyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na makaapekto nang husto sa sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon sa suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Hindi kailangan na maging magarbo o magastos upang matiyak na maging maganda ang impresyon ng tao. Ang pagiging natural ay sapat na para makakuha ng mga kaibigan. Iwasan ang magyabang dahil ang balik ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 23, 39, 44 at pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan upang mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may gustong sabihin, hindi masama na ipagtapat kung malinis ang pakay. Malalaman ang kasagutan kung magtatapat sa sadya. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at tangerine.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –  Unti-unting makikilala ka sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, magiging masagana ang kita. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Huwag ma­ging magastos kahit may pera dahil darating ang araw na tiyak may pagkakagastusan, na hindi maiiwasan. Mabuti nang laging may naitatagong pera para sakaling kailangan, mayroon magamit. Maging matipid at simulan ang mag–impok. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 41 at sky blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kailangan magdesisyon at magpasiya kung sino nga ba ang gusto. Maaaring ang dalawang interesado ay magtatanong na kung sino ang iyong pipiliin o maaari ang kasintahan ay yayain ka nang pakasal. Tiyakin ang desisyon ay galing sa puso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at cream.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with