^

Kutob

Nobyembre 21, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang magagandang salita ay mistulang magnet na magpapabago sa pakiramdam ng taong may pinag­da­raanan. Huwag itong ipagdamot. 

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Maaaring­ ngayon makamit ang matagal nang inaasam-asam. Subalit magiging sensitibo ka sa mga kakaunting bagay. Maaaring masaktan ka sa mga salitang maririnig. Upang manatiling balanse ang enerhiya ng kaligayahan, makakabuti ang maging mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 21, 23 at ruby red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Kumpetisyon sa trabaho lalo na sa promosyon ay magiging mahigpit subalit kung may promosyon ang pinapasukan, asahan na isa ka sa kandidato. May matatanggap na hindi inaasahang regalo o sulat. Isang kaibigan ang mangangaila­ngan ng tulong materyal o payo. Lucky numbers at color for the day ang 15, 28, 32, 39 at yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Maganda ang pagkakataon para hanapin ang dekalidad na negosyo­, kaysa magpabanjing-banjing at walang gagawin. Ang iyong talento ay malaking puhunan sa ikauunlad kaya panahon na upang magamit sa makabuluhang bagay. Huwag pansinin ang mga tututol at ipagpatuloy ang binabalak. Lucky numbers at color for the day ang 8. 19, 21, 24 at blue.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Ang paghaha­nap ng walang bakanteng oras sa gawain ay hindi magbibigay ng tamlay sa sarili. Magiging maagap sa lahat ng bagay kaya nasa tamang landas ang iyong tinatahak na kaunlaran. Ang pag-ibig ay siyang gabay sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 12, 19, 26, 27 at lemon green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) –  Huwag maging ipo­k­reto at kung ano ang payo ay dapat pakinggan at sundin, kung inaakalang tama. Walang magsasalita laban sa iyo kung walang nakitang pagkakamaling nagawa. Ang payo ng mga magulang o nakakatandang kamag-anak ay mahalaga para sa iyong ikakabuti. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 30, 35 at gray.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Sikapin kung ano ang magagawang tulong sa problema ng kaibigan o kasambahay. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan. Darating ang panahon na siya naman o may ibang kaibigan ang tutulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 15, 34 at green.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin ay hindi na kaya ng katawan ang magtrabaho. Mabuting ipahinga na ang nararamdamang pagod kaysa tumuloy pa ito sa sakit. Kung nakakaramdam ng hindi normal sa katawan, kumunsulta sa doktor. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 23, 39 at peach.

GEMINI  (Mayo 21 - Hunyo 21) – Hindi umaayon ang mga bagay-bagay na gustong mangyari. Hindi makapag-isip ng maayos at masyadong nababagabag sa kung anu-anong palaisipan. Huwag mabahala dahil magiging maayos din ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 25, 37 at tan.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Wala kang dapat ipag-alala kung may mga bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan kung gahol sa oras ang dapat matapos. Kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 28, 44 at blue.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Yayain ang kapatid na mamasyal. Mapagtatantong ang dami ninyo na palang hindi napagkukwentuhan. Ang pakikipag-usap dito ay magbibigay daan para magkakilala kayo nang husto. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 35, 42 at gray.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Ipaunawa sa ka­samahan na hindi mo layunin ang ipahiya o saktan siya, kundi nais mo lamang na itama ang kanyang pagkakamali, na kung hindi mo gagawin ay tiyak na magpapasama sa inyong lahat. Sabihin ito nang maayos at umasang maiintindihan ka niya. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 40 at mint green.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Hindi maiiwasang maiyak sa mga mangyayaring hindi maganda ngayon. Kulang na nga lamang ay tuluyan nang mawalan nang tiwala sa sarili. Huwag umiyak kung kinakailangan pero huwag isiping napakahina mong tao. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 23, 39 at flaming red.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with