PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nobyembre 15, 2017

Pagtitibay: Wala akong hindi magagawa sa kalakasang kaloob ng aking Manlilikha.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) –  Marunong ka ngayon makisama at makibagay. Iyon ang gusto ng mga kaibigan, kasamahan at kasambahay mo. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang magi­ging kaibigan. Panahon nang pagbabago sa ugaling masungit. Lucky numbers at color for the day 8, 23, 35, 40 at red.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag mahiyang magsabi kung may problema. Walang mangyayari kung ito ay sasarilinin. Dapat kumunsulta sa higit na nakakaalam. Kung gustong malutas ang suliranin, kumunsulta ng psychic. Lucky numbers at color for the day 10, 23, 34, 40 at maroon.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Pinagpaguran mo ang lahat ng ano mang mayroon ka, ang proteksiyon at pag-aalaga rito ay dapat pagtuunan ng pansin. Mag-ingat dahil malakas ang banta na may mawawala o may mangyayaring hindi kanais-nais. Huwag magpadala sa emosyon ng pangungulila upang hindi lumayo ang suwerte. Lucky numbers at color for the day 12, 24, 36, 42 at violet.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Anuman ang gawain ay tiyak na maganda ang magiging resulta dahil positibo ang isip. Iwasan ang magtaray dahil sa halip, ang maaaring maging kaibigan ay siya mo pang makakaalitan o makakaaway. Lucky numbers at color for the day 13, 16, 39, 34 at yellow.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Huwag sayangin ang oras sa pag-iisip, simulan ang gawain at makikita na magiging masaya ang bawat saglit na gugugulin dito. Nasa panig ang katuwiran na inaayunan ng pagkakataon, kaya walang dapat alalahanin, maliban kung magiging negatibo ka. Lucky numbers at color for the day 8, 16, 23, 37 at orange.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Hindi kailan man mabuti ang mabuhay sa mundo nang pagkukunwari. Dahil walang ibang niloloko kundi ang sarili. Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan upang magkunwaring masaya. Maging tapat sa kapwa at sa sarili. Lucky numbers at color for the day 8, 12, 30, 42 at brown.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) –  Anumang hamon ang dumating ay kayang harapin kung positibo ang isip. Pinakamabisang paraan upang malabanan ang takot ay magkaroon ng positibong isip. Kahit ano ang mangyari ay magiging maayos ang resulta sa anumang ginagawa. Lucky numbers at color for the day 7, 19, 25, 44 at white.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Kung sisiliping mabuti, ang madilim na lungga ng kahirapan may makikitang liwanag sa bandang dulo. Kung hindi mawawala ang pag-asa, pagtitiyaga, pagsisikap at pananalangin, tiyak magkakaroon ng magandang liwanag ang kinabukasan. Simulan ngayon ang pagpaplano. Lucky numbers at color for the day 4, 13, 25, 31 at burgundy.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Iwasan o huwag magpanik. Ang sobrang pagkataranta o pagmamadali ay lalong magdudulot ng hindi magandang resulta. Ayusin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Maaayos ang suliranin ngayon. Lucky numbers at color for the day 4, 10, 26, 30 at orange.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Utak at pag-iisip ang paganahin hindi ang emosyon. Bagama’t oo, sa pag-ibig, higit na may kapangyarihan ang isip kaysa puso. Alamin kung paano ang puso at pag-iisip ay balanseng magagamit at kung kailan ang isip ang dapat masunod. Lucky numbers at color for the day 2, 20, 34, 41 at brown.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Malamang makakasaksi ka ng isang pangyayari na hindi inaasahan. Isang Capricorn ang dapat na pansamantalang iwasan sa araw na ito. Maging alerto kung nasa labas ng tahanan lalo na sa snatchers at hold-uppers. Lucky numbers at color for the day 6, 18, 24, 39 at indigo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Isiping mabuti kung ano ang gustong gawin. Huwag magpadalus-dalos ng desisyon dahil malakas ang magneto ng pagkakamali. Isaisahin ang hakbang hanggang sa tuluyang makamit ang gusto. Kumunsulta sa minamahal, kaibigan o kasambahay tungkol sa binabalak. Lucky numbers at color for the day 6, 15, 34, 41 at green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: