PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nobyembre 10, 2017

Pagtitibay: Ang mapagkalingang kamay ng Maykapal ang nag-iingat sa akin sa bawat sandali. Hindi Niya ako pababayaan.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may plano, isipin munang mabuti kung ano ang hakbang at dapat simulan. Tiyakin na magiging organisado ang bawat kilos dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Mahina ang iyong kalooban ngayon, paglabanan. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 31, 39 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) –  Anuman ang gagawin, ituloy basta nakatitiyak na hindi makakasagasa ng kapwa. Sarili ang higit na nakakaalam sa gusto kaya huwag asahan na may mag­dedesisyong  iba. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 34, 43 at brown.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Labis ang pangungulila sa kasintahan o minamahal pero walang magagawa kundi magtiis dahil sa panga­ngailangan. Isipin na pagsubok sa relasyon ang magkalayo upang lalong tumibay ang samahan. May matamis na bungang pipitasin sa pagsisikap. Lucky numbers at color for the day ang 3, 18, 25, 30 at mint green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Kung mainit ang ulo, magpalipas muna bago humarap sa tao. Tiyakin na ang ikinagalit ay hindi madadala kung saan, maliban sa kinauukulan. Huwag idamay ang iba na walang kinalaman sa mga pangyayari. Kung may problema sa tahanan, huwag dalhin sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 26, 30 at lilac.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Piliin ang sasamahang kaibigan at ang pupuntahang lugar. May pagkakataon na makilala ang taong makakatulong. Mag-ingat sa hold-up o snatchers. Iwasan ang maglakad nang nag-iisa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 31, 43 at ivory.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hindi maiiwasan ang kumpetensiya sa kahit anong larangan, huwag bigyan ng sobrang pansin dahil sarili ang makukunsumi. Gawin ang nararapat nang hindi nakikipagpaligsahan. Sariling sikap ang dapat pairalin upang magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 35, 44 at lavender.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magiging maayos ang samahan sa pagitan ng mga kaibigan, kasambahay at kasamahan sa trabaho. Marami ang umaasa sa iyong magagawa sa nakaatang na responsibilidad. Huwag matakot na mabigo dahil ito ang daan sa pagtuwid nang naging pagkakamali. May mangyayaring kakatuwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 32, 42 at sky blue.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Hindi inaasahan na makakasalubong ang mga dating kaibigan. Tiyak na maraming oras ang magugugol dahil sa sobrang dami ng kuwentuhan. Walang dapat panghinayangan sa mangyayari. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 37, 45 at fuchsia.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Walang dahilan na magkunwaring masaya kung taliwas naman sa tunay na nararamdaman. Maging natural dahil ang pinakamahirap sa lahat ay ang niloloko ang sarili. Maging tapat sa sarili at kapwa. Iwasan ang magkunwari at ang pagkaplastik. Lucky numbers at color for the day ang 10, 29, 31, 42 at beige.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Panahon nang pagbago sa masamang ugali. Ang ilan dito ay sadyang mahirap gawin. Subalit hindi dapat sumuko kung kabutihan ng sarili at kapwa ang hangad. Walang mahirap sa taong may tiyaga. Pairalin ang sipag at tiyaga. Lucky numbers at color for the day ang 8, 17, 26, 35 at strawberry red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Asahan na maraming trabaho ang gagawin ngayong araw. Matatapos ang mga gawain kung iiwasan ang makipagkuwentuhan o tsismisan. Tiyak na mapapagod sa buong maghapon dahil sa mga gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 26, 34, 41 at blue.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Gawin ang paraan na maibalik ang tiwala sa sarili. Hindi makakabuti kung negatibo ang laging nasa isip. Maging positibo at tiyak na maganda ang resulta sa ginagawa o gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 24, 31, 40 at canary yellow.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: