PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nobyembre 9, 2017

Pagtitibay: Hindi ko ikapapangamba ang kasalatan ko, dahil ang grasya ng Maykapal ay sapat para tugunan ito.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Mapaliwanag sa kasamahan na hindi mo layunin ang ipahiya o saktan siya kundi nais mo lamang na itama ang pagkakamali, na kung hindi mo gagawin ay tiyak na mapapasama kayong lahat. Sabihin ito ng maayos at asahan na mauunawaan ka nila. Kailangan ang maliwanag na paliwanag. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 40 at mint green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Hindi umaayon ang panahon sa gustong mangyari. Hindi ka makakapag-isip ng maayos sa araw na ito. Kung may suliranin,  huwag lubayan sa paghanap ng solusyon. Kumunsulta sa psychic kung hindi kaya ng sarili ang problema. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 25, 37 at tangerine.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Wala kang dapat alalahanin kung may mga bagay na hindi natapos. Humingi ng tulong sa mga kasamahan kung gahol sa oras ang dapat tapusin. Kahit paunti-unti, matatapos din ang trabaho. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 28, 44 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Sikapin kung ano ang magagawang tulong sa problema ng kaibigan o kasambahay. Huwag ipagkait ang tulong kung may paraan, dahil darating ang panahon siya naman o may ibang kaibigan ang makakatulong sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 15, 34 at white.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Umuwi na lang ng bahay at magpahinga kung sa tingin ay hindi na kaya ng katawan ang magtrabaho. Mabuting magpahinga kung nakakaramdaman ng pagod kaysa tuluyang magkasakit. Pahinga ang kailangan ng katawan. Magpasalamat kung walang masamang nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 7, 18, 23, 39 at peach.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Unahin ang paggawa ng mga mahahalagang bagay. Ang ilang gawain ay maaaring makapaghintay. Huwag hayaang maghari ang kasalukuyang depresyon dahil sarili lamang ang parurusahan. Kung kikilos, may solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ang 10, 18, 22, 37 at maroon.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Magpasensiya kahit pikon at galit ka. Walang magandang idudulot kung paiiralin ang pagkabagsik. Tiyak na hindi makakapagsalita nang hindi maganda at makakasakit ng damdamin sa iba. Kung hindi makapagpipigil may mangyayaring hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 26, 39 at pink.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ang iyong pakiwari ngayon, walang nakakaunawa sa gusto mong mangyari. Huwag mawalan ng pag-asa. Isang kaibigan na kahit naguguluhan sa iyo ay hindi ka iiwan. Mananatili siyang nakaalalay sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 17, 20, 31, 40 at emerald green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ihanda ang sarili, makinig sa problema ng kaibigan. Tiyakin na hindi ka madala sa problema nito dahil wala kang magagawang tulong kapag nagkataon. Huwag ipagkait ang iyong tulong sa nangangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 17, 32, 45 at beige.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Malamang hindi maiiwasan na mapaiyak sa mangyayaring hindi kanais-nais. Hindi masama ang umiyak kung hindi kaya ng kalooban. Ang pag-iyak ay magbibigay ng kaluwagan sa sumisikip na dibdib. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 23, 39 at red.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Masaya ang buong araw dahil nakakatiyak ka na mahal ka pa rin sa kabila ng mga pagkukulang mo. Huwag lamang ang sobrang abuso, dahil hindi sa lahat ng panahon mauunawaan ka. Magpasalamat na hindi pa siya sumusuko sa iyong ugali. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 44 at tangerine.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Malamang yayayain kang mamasyal ng minamahal, kamag-anak o kaibigan. Kung magkataon, masaya ang kahihinatnan ng pagsasama. Huwag lamang mapag-usapan ang selos dahil magiging daan ng hindi pagkakaunawaan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 35, 42 at brown.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: