PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nobyembre 8, 2017

Pagtitibay: Masigla ang katawan ko, tunay na tapat ang nagpapagaling na Manlilikha ng mundo.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Pakiramdaman ang kutob nang hindi magkamali sa gawain o desisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismis. Ang pagbibigay halaga sa kalusugan ng magulang o kaanak ay dapat bigyan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 12, 26, 39 at carnelian.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag aksayahin ang oras sa walang kuwentang usapan, pagtitipon o tsismis. Maraming makabuluhang bagay ang naghihintay at dapat gawin. Kung gusto ng kaunlaran kilos, sipag at tiyaga ang dapat. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 25, 37 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung hindi mapaglabanan ang pagkatamad, walang magagawang trabaho. Kung makapagtatrabaho, magiging maikli ang pasensiya at mainitin ang ulo. Maging mahinahon at mapagpasensiya upang malayo sa disgrasya o away. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 32, 37 at indigo.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal o matatamis na salita, kundi sa gawa at pag-unawa. Sikapin na matupad ang pangako sa minamahal. Mapapasakamay ang hangarin sa pag-ibig kung taus-puso at malinis ang sadya. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 25, 36 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Maaaring makatanggap ng magandang balita mula sa koreo, telepono o sa makabagong teknolohiya. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Ipagpaliban ang balak na paglalakbay. Nasa signos ang aksidente o disgrasya kaya iwasan ang dapat iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 3, 9, 37 at brown.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magpakahinahon dahil mapapasabak ka sa mental o pisikal na gawain. Huwag mag-atubili na ipakita ang kakayahan dahil kailangan ngayon. Pagod ang iyong mararamdaman sa hapon o gabi subalit kasiyahan ang kapalit sa mga natapos na gawain. Lucky numbers at color for the day ang 9, 12, 30, 37 at green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Iwasan ang mapaglarong isipan dahil maaaring pasukan ng hindi magandang ideya. Paghuhunos-dili ang kailangan sa mga babae dahil malakas ang feminine desire. Sa mga lalake, magiging malakas ang masculine desire at kung walang disiplina baka magsisi. Lucky numbers at color for the day ang 10, 13, 17, 24 at light green.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Nagtagumpay ang pagtitiyaga at pagsisikap, at magsisimulang pitasin ang matamis na bunga. Sa mga walang tiyaga, walang sikap at tamad, hikahos ang daranasin. Kung ang hangad ay umunlad, simulan ang magsipag at magsikap. Iwasan ang tsismis upang hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 14, 30 at red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Makulay ang araw sa mga taong maganda ang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo dahil kung mangyayari, walang magagawa. Kaunting panahon na lamang ang kailangan upang maabot ang hinahangad, kung tuloy ang magandang gawi at gawain. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 36, 41 at fuchsia.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Dalawang uri ang payo, may makakabuti at may makakasama. Suriing mabuti bago magpahalaga sa payong matatanggap. Sikapin na mamalagi ang magandang samahan sa loob ng tahanan, maging sa pinapasukan. Iwasan na magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Lucky numbers at color for the day ang 2, 11, 25, 36 at royal blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ang magtampo dahil walang mapapala kundi sakit ng damdamin at magiging emosyunal. Kung taimtim ang dalangin, mapapawi ang suliranin at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa nagmamahal, magulang o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 15, 32 at emerald green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan  ang mangako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na dapat hindi masira. Mapalad na transaksyon ang darating na dapat hindi paalpasin. Walang dahilan upang magkaroon ng abala sa gagawin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 17, 25, 36 at agate green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: