PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Nobyembre 2, 2017

Pagtitibay: Hindi ako mababahala dahil ang seguridad ko at ng aking buong pamilya ay nasa kamay ng Maykapal.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maaaring ang dalawang interesado ay magtatanong kung sino ba talaga ang iyong pipiliin. Maaari ang kasintahan ay magyaya nang pagpapakasal. Tiyakin na ang desisyon ay galing sa puso’t damdamin. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 30, 42 at white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Iwasan na maging sakit ng ulo sa kapwa. Huwag ha­yaang mainis ang nakapaligid dahil magiging makulit ka ngayon. Kung ano ang gusto, huwag magpadalus-dalos dahil maaaring ito ang ikasira. Bawat kilos, tiyakin na ang pabor ay nasa panig. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 40 at gray.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Manati­ling mapagpakumbaba at huwag hayaang umiral ang kayabangan. Magiging mataas ang iyong pride na kapag walang self control ay mapapasubo at mapapahiya ka sa karamihan. May sasalungat. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 26, 37 at green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang nararam­damang sakit ay mapapawi. Pagbigyan ang sarili na makapag-lakbay sa ibang lugar upang maiba ang ihip ng kapalaran. Ang magbakasakali maliban sa sugal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Ang pagpaparaya ay pagpapakita ng pagkamaunawain at pagmamahal. Huwag mabahala dahil ang kapalit ng tiwala ay kaligayahan. Ang tiwala ay kakambal ng pag-ibig at pagmamahal, kaya dapat alagaan upang hindi masira ang tiwala. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 24, 36 at orange.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Malamang may nakakadismayang balita ang matatanggap. Maaaring may kinalaman sa trabaho, pinansiyal o buhay pag-ibig. Huwag hayaan na maapektuhan ng husto ang sarili. Nasa tabi lamang ang solusyon ng suliranin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 35 at maroon.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kung may mga bagay na pinagdududahan sa minamahal, kausapin siya upang makasiguro sa nais malaman. Huwag kim-kimin sa sarili kung may hinanakit. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 24, 39 at peach.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ang maging mapagbigay at maalalahanin ang tanging paraan upang mapalapit sa lihim na minamahal. Kung may gustong sabihin, walang masama na ipagtapat kung malinis ang pakay. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 27, 31 at brown.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi kailangan na maging magarbo o magastos upang matiyak na magiging maganda ang impresyon ng kapwa. Ang maging natural ay sapat na para makakuha ng mga kaibigan. Iwasan ang magyabang dahil ang balik ay kahihiyan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 3, 39, 44 at pink.

LEO  (Hulyo 23- Agosto 22) –   Huwag maging magastos kahit may pera dahil darating ang araw na tiyak may pagkakagastusan na hindi maiiwasan. Mabuti nang laging may naitatagong pera na kung kailangan ay may magagamit. Mag-tipid at simulan ang mag-saving. Lucky numbers at color for the day ang 17, 24, 39, 41 at sky blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Unti-unting makikilala sa larangang kinabibilangan. Sa pag-ibig, ipadama sa minamahal ang tunay na nararamdaman. Maging malambing. Sa negosyo, maganda ang kikitain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 30, 41 at tangerine.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag kaagad-agad gumawa ng desisyon kung hindi tiyak ang sarili. Ang pag-gawa ng desisyon ay hindi mina-madali kung maselang bagay ang nakataya. Kung hindi nakakatiyak, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ang 10, 26, 33,40 at violet.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: