PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 29, 2017

Pagtitibay: Salamat sa grasya ng Maykapal, ang lahat ng mabuti ay aking nararanasan.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang taglay na suliranin ay magiging dahilan para maging emosyonal. Subalit sa matuklasan na isang lihim na tagahanga, ang lahat ng suliranin ay parang bula na mawawala. Lahat ng suliranin ay may katapat na tamang solusyon at ito ang dapat harapin o hanapin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 31, 40 at aqua blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ikaw ang pinakamasayang nilikha kung matatapos mo ang mga gawain. Kaya kilos hangga’t maaga subalit kailangan ang lubos na pag-iingat sapagkat kung may mangyaring hindi maganda, malamang magdulot ng sama ng kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 8, 31, 32, 41 at carnation pink.  

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-ingat sa ginagawa upang matiyak na mapalayo sa sakuna. Isang kaibigan ang nangangailangan ng pansin o tulong ang malamang darating. Tiyakin na ito ay mabigyan ng panahon at pagpapahalaga. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 28, 38 at lavender.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Masayang pangyayari ang malamang na darating. Ang mga kasamahan at kasambahay ay handang makiisa sa nais gawin. Mahalagang panindigan ang ginagawang pagpapasiya, maging ito ay tama o mali. Lucky numbers at color for the day ay 1, 5, 21, 39, at red ruby.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – May makakatanggap ng mahalagang balita sa pamamagitan ng sulat o tawag na maaaring makapagpabago sa takbo ng buhay. Tiyaking huwag magpadalus-dalos sa paggawa ng desisyon o pagpapasiya. Lucky numbers at color for the day ay  11, 13, 21, 32 at orange.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ipagpaliban ang binabalak na pagbabago sa bahay, pinapasukan o opisina. Huwag magmadali sa pinapangarap at tiyak darating ang tamang panahon. Isang bagong tagahanga o manliligaw ang darating sa buhay. Lucky numbers at color for the day 9, 11, 23, 35 at silver.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mahalagang bigyang pansin at wastong pag-aalaga ang kalusugan. Kung may dinaramdam, makabubuting magpatingin o kumunsulta sa doktor. Ang pagpapahinga kung may pagkakataon ay dapat gawin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 31, 42 at avocado green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Panahon nang pagpaplano para sa kinabukasan o pamilya. Ang balak na pagpapakasal ay naaayon sa panahon. Maging positibo sa pananaw tungkol sa kapakanan ng pamilya at sarili. Hangga’t maaari, iwasan ang mangako dahil hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 7, 28, 37, 42 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Huwag mag-alinlangan at iwasan ang labis na pagseselos sa minamahal. Malamang hahantong sa matinding tampuhan o hiwalayan kung may alitan nang dahil sa selos. Makakabuting huwag makinig sa sulsol o tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 5, 13, 22, 40 at silver  gray.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magandang balita dahil mararanasan ang kaligayahan mula umaga hanggang hating gabi. Makakatanggap ng mahalagang impormasyon tungkol sa mga binabalak na siyang magiging malaking tulong sa hanap-buhay. Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 34, 36 at old rose.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Magiging kaligayahan ng puso at damdamin ang maglingkod sa kapwa na siyang maghahari sa sarili. Aanihin ang matamis na bunga nang pagtitiis at paghihirap sa dinaranas. Maaaring may makialam sa ginagawa kaya dapat habaan ang pasensiya dahil maaaring madaling mag-init ang iyong ulo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 27, 38 at green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang mga kaibigang nagsisimula sa A at D ang pangalan dahil magbibigay sila ng hinanakit. Isang kapwa Libra o Taurus naman ang makapagbibigay kasiyahan, kagalakan o tulong. Kung ano ang lalakarin, mabuting may kasama. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 28, 42 at mint green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: