PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 28, 2017

Pagtitibay: Isapuso, isaisip at isagawa ang lahat ng bagay, kalakip ang pagtitiwala na may agarang tulong mula sa Maykapal para maging ganap ang iyong tagumpay.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Kung may nawawalang gamit sa loob ng tahanan walang ibang kumuha kundi malapit lamang sa iyo. Kung alahas o pera ang nawawala, malabo na itong maibalik. Kapag umalis ng bahay huwag magsuot ng mamahaling alahas o magdala ng malaking halaga ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 30, 37 at dark blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magandang oportunidad ang darating kaya seguraduhin na laging bukas ang linya ng komunikasyon upang hindi makaalpas. Kung may pinag-usapang transaksiyon, ngayon ito mabubuo. Ang desisyong nagawa kung isasakatuparan ay walang magiging palpak. Lucky numbers at color for the day ay 5, 21, 29, 42 at tangerine.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Labanan ang pagkamasungit at magagalitin dahil ito ang hahadlang ng suwerte na lumalandas patungo sa iyo ngayon. Kung magiging masayahin, ang taglay na suliranin ay magkakaroon ng tamang solusyon. Malamang mababayaran ka nang nangutang sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 29, 31, 38, 43 at oak brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung gipit sa pinansiyal, madali itong matutugunan nang kamag-anak o kaibigan, dahil ngayon maaasahan mo ang kanilang tulong. Lucky numbers at color for the day 2, 22, 32, 42 at beige.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magiging abala ang araw mo ngayon sa pinapasukan at maging sa tahanan. Daranasin mo ang kapaguran sa gabi subalit kaligayahan ang mararamdam dahil sa dami ng good accomplishment. Malamang kaunting suliranin tungkol sa anak ang iyong malaman, pero madali namang matutugunan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 26, 38, 40 at fushia.

ARIES (Marso 21- Abril 19) –  Kung may planong bumiyahe, ipagpaliban dahil prone ka ngayon sa aksidente. Kung ang trabaho ay nasa labas ng bahay pinapayong mag-ingat at iwasan ang pumunta kung saan-saan. Makabubuti kung paglalaanan ng oras ang mga gawaing bahay. Lucky numbers at color for the day ay 06, 19, 26, 07 at pearl white.  

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Walang stability ang tungkol sa negosyo. Akyat-baba ang benta subalit huwag mawalan ng pag-asa dahil babawi rin sa darating na araw. Hangga’t maaari, iwasan ang mangutang o magpautang. Tutukan ang budget nang mapagkasya sa mga pangangailangan. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23, 32, 43 at red.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Masaya ka ngayon dahil walang magiging problema sa pag-ibig. Magaan ang pakiramdam subalit ipinapayong bigyan ng masinsinang pansin ang kapakanan ng kalusugan. Dahil magiging mahina ang iyong resistensiya sa darating na mga araw. Iwasan ang abuso sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 26, 33, 44 at light yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) –  Kung may hinihintay, ito ay darating maliban kung tungkol sa pag-ibig at pera. Upang hindi magsisi sa bandang huli, anuman ang desisyon na gagawin ngayon ay pag-isipan at pag-aralang mabuti bago pumalaot. Susubukin ang iyong pagtitimpi sa pinapasukan o sa tahanan, ito ang dapat mong paghandaan. Lucky numbers at color for the day ay 24, 27, 33, 42 at lilac.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Nasa tamang landas ang iyong pag-unlad, congratulations. Kaya lang ang paminsan-minsang negatibong pag-iisip ay tinik na nagpapabagal dito. Maging positibo sa anumang gawain at tiyak ang mabilis na positibong resulta. Lucky numbers at color for the day ay 23, 37, 40, 45 at emerald green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Malamang ngayon ang panahon na makakatagpo mo ang iyong soulmate o twin-flame. Kung sakaling titibok ang iyong puso ngayon siya na ang potential partner para sa'yo. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 25, 34 at peach. 

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kasipagan at matinong pag-iisip lamang ang tanging puhunan upang umunlad. Ang madalas na pagwawalang-bahala ay magandang panahon para baguhin. Kung makakarinig ka ng mga salita laban sa iyo, makakabuting huwag mag-react upang maiwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ay  3, 16, 24, 38 at purple.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: