PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 27, 2017

Pagtitibay: Ipinagkakatiwala ko sa mapaghimalang Manlilikha ang buhay at ang buong pamilya ko.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Habaan ang pasensiya. Mainit man ang ulo, tiyakin na kontrolado ang emosyon. Mag-ingat dahil malamang masigawan ang mga kasambahay o kasamahan. Tiyakin na hindi makapagsasalita ng hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 29, 30 at cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Isang tao na akala kaibigan ay kabaligtaran ang mangyayari. May mga magtatraydor. Ngayon ma­titiyak at malalaman ang tunay na kaibigan. Huwag magsisi, manapay magpasalamat sa matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 25, 37, 42 at green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) –  Gawin ang bagay na kailangan matapos. Ipahuli ang ibang maaaring makapaghintay. Maraming nakatambak na gawain subalit hindi kailangang mataranta. Gawin ang mga bagay na parang naglalaro lang at tiyak walang pagod at kasiyahan ang madarama. Lucky numbers at color for the day ang 5, 10, 23, 35 at red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung may gustong sabihin, huwag idaan sa init ng ulo. Mahirap kang maunawaan ngayon dahil hindi ka makikinig sa iba. Kung gustong malayo sa hindi pagkakaunawaan, ma­ging mahinahon at makinig sa katuwiran o paliwanag. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 26, 37 at navy blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) –  Mananatiling mataas ang pagtingin ng kapwa. Tingnan ang bawat panig bago gumawa ng konklusyon. Tiyakin ang desisyon ay naaayon sa dikta ng sarili at hindi dahil sa dikta ng iba. Panindigan kung ano ang ginawang desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 29, 38 at green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasang makagawa ng bagay na makakasakit ng kalooban ng minamahal dahil hahantong ito sa matagal na tampuhan. Pairalin ang pagkamaunawain at pasensiya sa kasambahay at kasamahan. Maaaring may magtampo o magkaroon ng hinanakit sa iyo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 17, 36, 45 at violet.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Isang tao ang aakit ng iyong atensiyon. Bago mahulog nang lubos ang kalooban, alamin muna ang kanyang pinanggalingan at pagkatao. Huwag magtiwala dahil ang nakapaligid ay mapagkunwari. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 29, 41 at brown.

GEMINI  (Mayo 21- Hunyo 21) –  Mapagtatanto na ang problema sa relasyon kung patuloy na magbubu­lag-bulagan ay walang matatamong solusyon. Patuloy ang paghihirap ng minamahal dahil sa relasyong nanganganib na masira. Kung pagtutuunan ng pansin, madaling makakahanap ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ang 1, 13, 27, 39 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Mag-ingat sa bibitiwang salita. Baka hindi sinasadya ay makasakit ka ng damdamin. Mabuting maging tagapakinig kaysa maging tagapagsalita. Kung may sasabihin, tiyakin na walang masasaktan sa sinabi. Lucky numbers at color for the day ang 6, 25, 31, 44 at gray.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) –   Sabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy na kinikimkim. Walang mangyayaring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 22, 30 at royal blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Kung gustong matapos ang gawain, kahit ang iba ay nagtatamad-tamaran, kumilos ka. Huwag aksayahin ang panahon. Sariling kapakanan ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 24, 39 at pink.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang mga makukulit dahil sisirain ang iyong mood sa buong araw. Kahihiligan kang asarin kaya maging handa. Huwag hayaan na maapektuhan ng biro dahil ikaw ang talo. Makisayaw sa tugtog hangga’t maaari. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 26, 41 at peach.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: