PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 26, 2017

Pagtitibay: Gaano man kasalimuot ang mundo, ang lahat ng bagay ay nasa kamay ng Manlilikha nito. Manalig ang lahat dahil hindi Siya ay hindi magpapabaya kailan man.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Iwasan ang mga makukulit dahil sisirain ang iyong buong araw. Kahihiligan kang asarin kaya maging handa. Huwag hayaan na maapektuhan ang sarili sa biro dahil ikaw ang talo. Hangga’t maaari, makisayaw sa tugtog. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 41 at peach.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Gawin ang bagay na kailangang matapos. Ipahuli ang ibang makapaghihintay. Maraming matatambak na gawain subalit hindi kailangan mataranta. Gawin ang mga bagay na parang naglalaro at tiyak walang pagod  at kasiyahan ang madarama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 35 at red.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Isang tao na akala mo’y kaibigan ay kabaligtaran ang mang­yayari. May magtatraydor. Ngayon matitiyak at malalaman ang tunay na kaibigan. Huwag magsisi manapa’y magpasalamat sa matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 42 at fuchsia.  

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Mananatili ang mataas na pagtingin ng kapwa. Suriing mabuti ang bawat panig bago gumawa ng konklusyon. Tiyakin na ang desisyon ay naaayon sa dikta ng sarili at hindi dahil sa dikta ng iba. Panindigan ang ginawang de­sisyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 29, 38 at peach.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – Kung may gustong sabihin, huwag idaan sa init ng ulo. Mahirap kang maunawaan ngayon at hindi ka makikinig sa iba. Kung gustong malayo sa hindi pagkakaunawaan, maging mahinahon at makinig sa katuwiran o paliwanag. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 26, 37 at navy blue.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Isang tao ang aakit ng atensiyon. Bago mahulog nang lubos ang kalooban­, alamin muna ang kanyang pinanggalingan­ at pagkatao. Huwag magtiwala dahil nakapaligid ang ma­pagkunwari. Maging elerto upang hindi mapeke o madaya. Lucky numbers at color for the day ay 12, 16, 29, 41 at brown.  

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Iwasan na makagawa ng bagay na makakasakit sa kalooban ng minamahal dahil hahantong sa matagal na tampuhan. Pairalin ang  pagkamaunawain at pasensiya sa kasambahay at kasamahan. Maaaring may magtampo o magkaroon ng hinanakit kung magpapabaya. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 36, 45 at green.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) – Mag-ingat sa bini­tiwang salita. Baka hindi sinasadya na makasakit ka ng damdamin. Mabuting maging tagapakinig kaysa maging tagapagsalita. Kung may sasabihin, tiyakin na walang masasaktan sa sinabi. Lucky numbers at color for the day ay 6, 25, 31, 44 at blue.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Ang problema sa relasyon kung patuloy na magbingi-bingihan ay walang solusyon. Patuloy ang paghihirap ng minamahal dahil sa relasyon na nanganganib masira. Kung pagtutuunan ng pansin ay madaling makakahanap ng tamang solusyon sa problema. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 27, 39 at yellow.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Kung gustong matapos ang gawain, huwag magtamad-tamaran, kumilos kahit mag-isa. Huwag aksayahin ang panahon kahit ang iba ay ayaw tumulong. Sariling kapakanan ang dapat bigyan ng prayoridad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 24, 39 at pink.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Sabihin kung ano ang gustong sabihin. Makakabuting ilabas ang sama ng loob kaysa patuloy na kinikimkim. Walang mangyayaring solusyon sa pagmumukmok at pag-iyak. Kilos ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 22, 30 at royal blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Habaan ang pasensiya. Mainit man ang ulo, tiyaking kontrolado ang emosyon. Mag-ingat dahil malamang masi­gawan ang mga kasambahay o kasamahan. Tiyaking hindi makapagsalita ng hindi maganda. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 29, 30 at cream.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: