PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 24, 2017

Pagtitibay: Sa anumang kalagayan, kumikilos ang mapaghimalang  kamay ng Maykapal. Manalig ka lang sa Kanya.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Magiging masaya ang susunod na mga araw pero nakakalungkot na ngayon ay may problema ka. Maging maunawain at makikita ang pagpapahalaga ng minamahal sa mga bagay na mahalaga sa iyo. Ang tunay na pag-ibig ay nakikita sa gawa. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 32, 41 at yellow.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Isiping mabuti ang mga dapat na gawing hakbang bago kumilos. Lalong makakasama sa binabalak ang mga desisyong pabigla-bigla. Pag-isipan ang kalalabasan ng gawain kung magbubunga ng kabutihan o kasamaan sa  sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 26, 37 at lilac.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Kung may problema makikilala ang tunay na mga kaibigan. Sa oras ng kagipitan at pangangailangan masusubok ang tunay na kaibigan. Ngayon mo makikilala kung sino ang tunay na kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 19, 25, 37 at sky blue.  

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mali ang akala ng lahat na hindi mo dinaramdam ang mga bagay na sinasabi sa iyo. Umaksiyon, huwag pahintulutang manatili sa dibdib ang kinikimkim na sama ng loob. Ipaglaban ang kapakanan. Maging tapat sa tunay na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay  20, 27, 35, 42 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Pagbigyan ang kahilingan ng nakakarami. Ito ang tanging paraan upang maiwasan na magkaroon ng samaan ng loob. Sa pag-ibig, malamang makakarating sa kaalaman ng ka­sintahan ang pakikipagrelasyon sa iba. May paliwanag kang gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 18, 24, 34, 40 at jade green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Mag-ingat sa pagsasalita ng hindi mapahiya sa kapwa. Huwag damdamin ang pangyayari dahil makakabawi ka sa ibang paraan. Mag-ingat dahil magiging malapit sa iyo ang manakawan o ma-hold up. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 26, 39 at fuchsia.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan ang pagka-agresibo, dahil sa halip na mapalapit ang kaloobaan ng minamahal ay mawawalan tuloy ng tiwala. Kung magiging mapusok, daranasin ang kapahamakan. Matutong tumanggap ng kabiguan. Lucky numbers at color for the day 9, 15, 29, 36 at blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Palipasin sa kabilang tainga ang maririnig. Huwag patulan ang naghahanap ng gulo. Mapapatunayan na ang maunawain ay hahangaan ng kapwa. Makakagawa ka ng isang bagay na hahangaan ng marami. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 28, 33 at white.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Sa bawat araw na nagdaraan, makakaramdam ka ng pagkainip at pagkainis sa sarili dahil parang walang nangyayari. Ito ang tamang panahon upang isakatuparan ang matagal nang binabalak. Kung naga-apply, lakarin at may malaking pag-asa. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 33, 41 at pink.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kaya masaya ang minamahal ay dahil sa naging maunawain ka at hindi naging makasarili. Ang maging maalalahanin ay may ganting pagmamahal. Kung naging makasarili ka noon, ngayon dapat baguhin bago maging huli ang lahat. Lucky numbers at color for 7, 14, 21, 38 at light blue.  

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Huwag mainis kung magiging makulit ang mga taong nakapaligid dahil sadyang malapit ka ngayon sa mga ito. Nais lang nilang may patutunguhang maganda ang iyong pinaghirapan. Huwag magwaldas ng pera sa walang kabuluhang bagay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 21, 29, 37 at brown.  

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Pag-ibig ang magdadala ng tamlay. Kung hindi mapaglalabanan, hahantong sa isip na sisirain ang sarili. Huwag mag-alala dahil sadyang hindi siya bagay sa iyo at pagsisisihan mo kung kayo ay magkatuluyan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 37 at gray.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: