PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 23, 2017

Pagtitibay: Anuman ang kinakaharap na sitwasyon, la­ging panghawakan, ang lahat ay laban ng Maykapal para sa ikabubuti mo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Hindi magi­ging abala subalit maraming mahahalagang gawain ang matatapos dahil angkin ang enerhiya ng sigla. Panindigan ang prinsipyo upang hindi maloko ng iba. Dara­ting ang hinihintay. Hindi maiiwasan na may magselos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 21, 37 at jade green. 

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Bagong pag-ibig ang uusbong. Simulan ang magtipid at mag-ipon para sa kinabukasan. Ang mahalagang bagay na gustong gawin ay maipagpapaliban. Walang problema sa trabaho ngunit may kaunting gusot sa tahanan o sa relasyon. Lucky number at color for the day ay 4, 12, 23, 38 at brown.  

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Isang bagong relasyon sa pag-ibig ang magbibigay sigla. Dahil sa kasiglahan, ano man ang hirap o bigat ng gawain ay magaang na mairaraos. Nakabuntot ang pagkakamali kaya konsentrasyon ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 28, 32 at avocado green.  

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Umaayon ang panahon sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan. Mangingibabaw ang kapusukan ng damdamin na  dapat mapaglabanan upang hindi mapahamak. Magiging abala sa mga gawain. Makiisa sa mga kasamahan upang manatili ang harmoniya. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 34, 38 at orange.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang minamahal ay hindi magkakait ng tulong kung kailangan. May haharaping pagkakagastusan na hindi maiiwasan subalit ang magandang balita ay lumalandas ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 2, 12, 33, 40 at orange.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang mga kaibigan ay maaasahan ng tulong kung kailangan. May pagkasensitibo ang minamahal kaya sikapin na magparaya at lawakan ang pang-unawa. Makakakilala ng bagong kaibigan na malamang makakatulong. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 33, 41 at strawberry red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Isang kamag-anak o kasamahan ang malamang magkaroon ng hinanakit. Ang pagpapahinga ay makabuluhan sa kalusugan. Umaayon ang panahon sa proyektong pangkomunidad. Mas mabiyaya ang nagbibigay kaysa tumatanggap kaya hindi maiiwasan ang makapagbigay ka ng tulong. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 18, 41 at tangerine.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Madaling pakitunguhan ang mga kaibigan. Ang samahang pangkaibigan ay posibleng mauwi sa pag-iibigan. Hindi ka makakatanggi ngayon na magbigay ng tulong sa kaibigang may kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 16, 31 at pink.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging masaya ang pakikisalamuhang sosyal kung bibigyan ng panahon. Ang tamang asal sa pananalita at pakikisama ay dapat pairalin. Bigyang halaga at panahon ang pag-aaruga sa kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 11, 18, 36 at yellow.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Iwasan ang pala­ging mainit ang ulo. Magiging lubos ang kaligayahan kung kasama ang minamahal. Mag-budget sa paggastos upang may maitabi sa kailangang gamit. Ang hindi pagkakaunawaan sa kaibigan o kasambahay ay magbubunga ng tensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 18, 29, 37 at white.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May lihim na pagtingin ang isang kasamahan o kaibigan. Huwag bigyan ng pagkakataon na mapagsamantalahan ang iyong kabaitan. Mag-ingat sa paglalakad nang hindi madapa, matapilok o matalisod dahil magiging mahina ang bandang ibaba ng katawan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 24, 38, 41 at lavender.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang nakaraang suliranin ay maaaring makalimutan o magkaliwanagan sa kinauukulan. Magaan ang pasok ng pera sa negos­yo. Umaayon ang masuwerteng pagkakataon kaya abangan at huwag paalpasin. Lucky numbers at color for the day ay 11, 20, 34, 41 at royal blue.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: