PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 21, 2017

Pagtitibay: Walang magagawa ang tao kung hindi pahihintulutan nang makapangyarihang Manlilikha ng mundo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung hangad ang mataas na grado, simulan ang magsikap sa pag-aral ng leksiyon. Walang mapapala kung barkada ang laging haharapin. Sa edukasyon at pinag-aralan lamang ang batayan ng magandang kinabukasan at tagumpay. Ugaliin na hindi mahuhuli sa oras ng pagpasok. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 23, 33 at lavender.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Matatanggap ang gantimpala sa pagpapahalaga ng tungkulin o pagsunod sa mga payo ng magulang o guro. Kung nag-aaral at nagsisikap, gantimpala ang mataas na grado. Lucky numbers at color for the day ay 3, 17, 26, 38 at lemon green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maliksi ang katawan, maganda ang isip. Walang magiging sagabal at tiyak matatapos ang gawain. Sa tahanan susubukan ang iyong pasensiya sa dapit hapon o gabi. Pairalin ang pagkamahinahon nang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 16, 32 at mint green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Mag-ingat dahil magiging malapit ka sa mga taong mapagsamantala. Maiiwasan ang hindi magandang pangyayari kung magiging alerto at hindi magdedesisyon ng walang masusing pag-aaral. Huwag basta maniwala kahit kanino. Ipagpaliban ang transaksiyon o meeting. Lucky numbers at color  for the day ay  16, 29, 36, 37 at yellow.   

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) –  Walang maaasahang tulong mula sa kaibigan at kahit kanino. Sariling sikap at kayod ka ngayon. Kung may kailangan, huwag lumapit sa iba dahil mapapahiya lamang. Ang maganda, matutuwa ka sa hindi inaasahang pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 23, 42 at red.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Madaling mapapaunlakan kung may kailangan ang kamag-anak o kaibigan. Bigyan ng wastong pangangalaga ang kalusugan dahil madaling kapitan ng sipon, ubo o trangkaso. Iwasan na mabasa ng ambon o ulan at matuyuan ng pawis. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 44, at gray.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kung may balak, ituloy huwag mag-alinlangan. Kung masama ang balak, huwag gawin dahil mahuhuli o matutuklasan. Upang maiwasan ang hindi magandang mangyari huwag paunlakan ang anyaya ng kaibigan o barkada. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 24, 35 at pink.  

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hindi sinasadya na may matutuklasang lihim. Kung nakakatuwa o nakakalungkot panahon ang makapagsasabi. Iwasan ang masakit na biro upang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Lumalandas sa tamang daan ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 25, 33 at fuchsia.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Sa mga nag-aaplay ng trabaho lalo na patungong abroad, inaayunan ng panahon ang tagumpay kung lalakarin sa umaga. Ang mga lalakarin sa hapon ay huwag nang ituloy dahil mag-aaksaya lamang ng panahon at oras. Aksiyon ang dapat gawin, hindi panay salita. Lucky numbers at color for the day ay 4, 13, 21, 36 at yellow.  

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Sa tiyaga at sipag makakamit ang tagumpay. Sa mga tamad kahirapan pa rin ang daranasin. Kung gustong umangat sa kahirapan dobleng sipag at tiyaga ang gawin. Kung may planong gawin para sa kaunlaran simulan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 7, 16, 26, 36 at brown.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Sa gawa at wala sa salita makita ang sukatan ng tunay na pag-ibig. Kung ang manliligaw ay magbibigay ng bulaklak o chocolate huwag nang pakawalan dahil matamis at maligaya ang relasyon. Sa mga may asawa kung may iuwing pasalubong si mister o misis magiging matatag at maligaya ang  pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 5, 9, 27, 35 at blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – May kalutasan ang matagal nang gumugulo sa isip at bumabagabag sa damdamin. Ang taglay na talino at mabilis na pagkilos ang siyang magliligtas sa mga taong sasalungat. Mag-doble ingat, malamang  may kaibigang magtatraydor. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 28, 36 at avocado green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: