PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 20, 2017

Pagtitibay: Sapat ang biyaya ng Maykapal para sa lahat ng pangangailangan ko sa buong araw. Siya rin ang bahala sa kinabukasan ko.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Makakabuting kumilos kaagad bago mahuli ang lahat. Ang hinanakit ay mapapalitan ng kaligayahan. Huwag pansinin ang pamimika at pang-aasar ng iba. Sundin ang tibok ng puso at tiyak hindi magkakamali. Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 30, 34 at midnight blue.  

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Malakas ang ESP, sundin ang kutob. Kailangan ang makibagay sa mga nakakataas sa tungkulin. Iwasan ang magpagabi sa lansangan. Iwasan ang maglasing at magsugal. Lucky numbers at color for the day ay 4, 15, 29, 32 at lavender.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang sikreto ay matutuklasan ng iba. Maghanda dahil susubukan ang iyong katapatan. Ang inaasahang pera o bagay na matagal nang hinihintay ay hindi makakarating ngunit maaalintana lamang. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 11, 36 at emerald green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maraming dapat gawin subalit ang kalituhan ang magbibigay ng abala. Lalong mabuti kung makukuha ang suporta ng pamilya, kamag-anak o minamahal sa binabalak. Isang kaibigan ang maghahatid ng balitang ikaliligaya o ikalulungkot. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 36, 41 at aquamarine.  

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – May pagkakataon na mapapaunlad ang kalagayang pinansiyal. Manindigan sa sarili at laging isipin ang kahalagahan ng pera at panahon. Ang inaasahan ay darating sa tamang oras. Makulay at maaliwalas ang karanasan sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 36, 39, 42 at mustard yellow.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Umaa­yon ang panahon sa pagpaplano ng magandang paraan sa ikauunlad ng sarili. Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig. Malamang makadalo sa simpleng okasyon ng kapitbahay o kaibigan. Hindi bagay ang makipag-date. Lucky numbers at color for the day ay 11, 19, 31, 38 at blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag mangako. Maganda ang mamasukan dahil mailalabas ang angking kakayahan at talino. Hindi angkop ang maglakbay. Iwasan ang mapa­subo sa pakikipagsapalaran. Mag-ingat sa manloloko o mandarambong. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 21, 39 at light green.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Matutong magdesisyon nang mabilisan at tiyak. Iwa­san ang laging nakasandal sa mga detalye at gamitin ang sariling mga ideya upang maipakita ang taglay na kakayahan. May pagkakataong matapos ang gawaing matagal nang napabayaan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 19, 38 at yellow.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Walang problema kung pag-ibig ang pag-uusapan. Mag-ingat sa pagpapahayag ng hinanakit at baka humantong sa hindi pagkakaunawaan. Huwag magmalabis sa mga gawain dahil kalusugan ang bibigay. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 32, 40 at orange.  

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Nasa panig ang kaunlaran sa pinansiyal. Pag-aaral ang dapat sa gagawing desisyon. Mag-ingat sa mga sasakyan. Iwasan ang magulong lansangan hangga’t maaari. May pagkakataon na makasaksi sa isang pangyayaring hindi makakalimutan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 24, 33, 39 at jade green.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Mapalad sa itatayong negosyo kung sisimulan kaagad. Magtrabaho ng tahimik at pairalin ang pasensiya. Makakatagpo ng bagong kakilala sa pakikisalamuhang sosyal. May biyayang naghihintay mula sa trabaho o negosyo. Maging alerto. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 22, 34 at violet.  

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Isang kaibigang Aries ang magbibigay ng kaligayahan o tulong. Malaki ang pagkakataon na malutas ang suliranin tungkol sa pera. Ipagpaliban ang desisyon upang mapag-aralang mabuti. Huwag magpaluwal ng pera o bagay mula sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 24, 39 at pink.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: