PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 19, 2017

Pagtitibay: Hindi man mapigilan ang pagbabago, wala pa ring makakapigil sa kalooban ng Manlilikha ng mundo.  Tapat Siya magpakailan man.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang mga tsismosa at paki-alamera upang hindi masangkot sa gulo. Bigyang halaga ang kalusugan. Ayusin kaagad at huwag ipagwalang bahala ang kaunting suliranin sa bahay o trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 6, 19, 25, 37 at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Taglay ang kasiglahan subalit madaling mapipikon. Magi­ging mainitin ang ulo at madaling magalit. Tampuhan at hinanakit ang mapapala kung hindi paiiralin ang pagkamahinahon at pagpapakumbaba. Lucky numbers at color for the day ay 18, 27, 36, 40 at yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Tanggapin kung nagkamali kalakip ang kaluwagan ng kalooban, mahalaga ang mapamaraan sa pakikitungo sa kapwa. Ang payo kung gustong isaalang-alang ay pag-aralan muna nang mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 2, 17, 23, 40 at orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang munting suliranin sa minamahal ay hindi dapat dalhin hanggang sa trabaho. Isang lihim ang hindi inaasahang matuklasan. Iwasan ang alitan at baka humantong sa tampuhan. Huwag pilitin ang sarili kung may pag-aalinlangan. Lucky numbers at color for the day ay 11, 29, 39, 41 at brown.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Taglay ang pambihirang talas ng isip na bagay gamitin sa pagsasaliksik. Makakatawag ka ng pansin sa kausap upang pakinggan. Makukumbinsi ang kahit makulit o makitid ang isip. Matutuklasan ang ibig malaman tungkol sa trabaho o pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 24, 34, 38 at jade green.  

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Magkakaroon ng bagong alok sa trabaho. Ang dapat desisyunan ay pag-isipan muna bago pumalaot. Kung maga-apply ng trabaho, sa umaga lakarin at tiyak matatanggap kung tama ang posisyon na kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 17, 26, 30, 42 at electric blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Maganda ang pala­tandaan tungkol sa pag-ibig. Kung isang Pisces ang makikilala, tiyak magkakatuluyan. May babalang gusot na mangyayari mula sa kamag-anak o sa tahanan. Isang kaibigan ang hihingi ng tulong, payo o manghihiram ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 11, 22, 33, 40 at jade green. 

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Mag-ingat dahil mabigat ang timbang ng pagkakamali. Ang mga kamaliang nagawa ay malamang maulit. May kaunlaran na matatamo kung positibo ang nasa isip. Lucky numbers at color for the day ay 15, 30, 40, 41 at neon green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Nasa magandang pakiramdam ang katawan upang tapusin ang lahat nang nakaatang na trabaho. Isang tawag mula sa mahal ang makakadagdag sa kaligayahan at kasiyahan. Kaligayahan ang pakiramdam sa pagtulong ng kapwa o kaibigan. Magiging masaya at mapayapa ang tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 20, 25, 33, 34 at violet.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Madaling pakitu­nguhan ang mga kamag-anak o mga kaibigan. Iwasan ang maging mapusok. Maayos at walang balakid ang takbo ng mga gawain. Bagong pag-ibig  ang makakapagpagulo sa isip at kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 35, 39 at brown.

LEO (Hulyo 23-Ago. 22) – Ang maglibang ay magdudulot ng kaligayahan ngunit iwasan ang labis na gastusin. Mahalaga ang magplano sa gustong simulan. Makakatulong ang matalik na kaibigan o magulang sa suliranin. Magiging positibo ang isip at sa pag-ganap sa tungkulin. Lucky numbers at color for the day ay 22, 39, 40, 42 at aqua blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Taglayin ang maging mahinahon at maunawain dahil magiging malapit ka sa mga taong pikon at madaling mag-init ang ulo. Huwag magpabigla-bigla. Pairalin ang mahabang pasensiya. Iwasan ang mangako. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 32, 33 at pink.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: