PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 18, 2017

Pagtitibay: Ang pag-aalala ay palitan nang pagtitiwala sa Maykapal. Dahil ang hanap na kapanatagan ay Siya ang pinagmumulan.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung magulo ang isip dahil sa relasyon, iisantabi muna dahil walang solusyon ang makukuha ngayon. Kusang darating ang solusyon sa pag-ibig. Kung magulo ang isip tungkol sa trabaho, gawan ng paraan. May solusyon ang problema tungkol sa trabaho o pera. Lucky numbers at color for the day  ay 9, 18, 27, 36 at pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Iisang balita ang matatanggap, kung ikakatuwa  o ikakalungkot sa tamang panahon malalaman. Ang mahalaga ay ikondisyon ang sarili sa anumang kakaharapin ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 37 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Pag-ibig ang dahilan kung magiging masigla, ito rin ang maaaring magdulot ng kalungkutan at pagluha.  Huwag padala sa emosyon dahil sisirain ang suwerte. Kung magiging masayahin  lalong lalapit ang suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 19, 41 at marine blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Nasa maayos na kondisyon ang mental na kakayahan at walang puwang para magkamali. Kung may kailangan, pagdesisyunan, gawin. Ang pag-iingat ay dapat pairalin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 26, 40 at old rose.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Iiral ang iyong pride at hindi papatalo sa argument. Hindi maiiwasan ang argumento subalit maiiwasan ang mapaaway na dapat palaging itanim sa isip. Kung mayroong hindi pagkakaunawaan, pilitin na hindi mapasok sa kompromiso. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 34, 40 at jade green.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Anuman ang gawain ngayon at sa mga susunod na araw, kailangan ang maayos na pagpaplano para walang kapalpakan ang mangyari. Huwag magpadalus-dalos sa gustong gawin. Pag-isipan muna ang resulta sa dapat gawin bago magsimula. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 36 at beige.

ARIES (Marso 21- Abril 19) Unti-unting makakamit ang tagumpay. May kaunting hindi pagkakaunawaan na namumuo sa tahanan na dapat agapan upang hindi lumala. Lucky numbers at color for the day ay 3, 22, 34, 41 at violet.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Maraming gawain pero kailangan ang magpahinga. Hindi mabuti kung magpa­patuloy sa gawain nang mabigat ang katawan o masakit ang ulo. Isang kasambahay ang maglalambing subalit dapat maghanda dahil may kailangan siya sa’yo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 21, 36 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging makulay at masaya ang relasyon nang hindi kailangan magsayang ng pera sa marangyang okasyon. Dahil sa simpleng pagpapakita nang pag-aalala at pagkalinga, malaking kaligayahan ang maidudulot sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 5, 26, 38, 45 at golden brown.  

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Walang problema sa pera subalit magiging kabaligtaran sa larangan ng pag-ibig. Kung may tampuhan, ibaba ang pride upang hindi humantong sa hindi kanais-nais na situwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 29, 35, 43 at yellow.  

LEO (Hunyo 23- Agosto 22) Tuluyang mawawala ang minamahal kung ang pride ang paiiralin kaya gawan ng paraan kung sadyang minamahal. Kung sana ay napahalagahan siya, hindi kayo magbe-break. Ngayon mapapatunayan na mahalaga pala siya sa iyo. Lucky numbers at color for the day ay 7, 15, 25, 30 at jade green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Project study ang kailangan upang matiyak ang tagumpay sa negosyo o proyekto. Huwag magpadalus-dalos. Kung may pagdududa sa nais gawin, huwag ituloy o kumunsulta sa dalubhasang nakakaalam. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 32, 43 at silver.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: