^

Kutob

Oktubre 15, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Purihin ang Maylikha ng buhay sa mundo. Sa Kanyang kamay din nagmumula ang lahat ng pagpapala sa buhay mo.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Kung may pautang, huwag maningil ngayon dahil hindi mababayaran. Ngayon mapagtatanto na ang pagbigay ng lubos na pagtitiwala sa hindi lubos na kilala ay magdudulot ng hinanakit sa sarili. Kung may lalakarin kahit mahalagang bagay, ipagpaliban. Iwasan ang maglakbay ng malayo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 38, 39 at blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ang hindi pagkakaunawaan sa pamilya ay malamang magkaroon ng solusyon. Ang nakaraan ay malamang manumbalik at ihanda ang sarili sa kagalakan o kalungkutan. Ang alitan sa kaibigan o kasamahan ay maisasaayos kung nanaisin, subalit lalala kung pababayaan. Iwasan ang magalit o magmura. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 23, 39 at maroon.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang issue sa nakalipas ay maaaring lumitaw muli na siyang ikakagalit. Ngayon ang pagkakataon na pagtuunan ang pagresulba sa suliranin nang nakaraan. Kung magiging mahinahon at hindi idadaan sa dahas at init ng ulo ang suliranin ay parang bula na biglang mawawala. Lucky numbers at color for the day ay 1, 12, 22, 30 at honey yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Ang pakikipagsosyalan ay inaayunan ng panahon. Sa impluwensya ng panahon, magiging masayahin at halos lahat ay walang suliranin. Magiging masaya ang makihalubilo sa mga kaibigan, kamag-anak o mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 21, 29, 35, 39 at white.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Kung may balak na magpakasal ngayon dapat pag-usapan upang maranasan ang kaligayahan sa pagsasama. Kung may balak lumipat ng tahanan, ngayon isakatuparan upang maging masagana. Kung may balak na magbukas ng negosyo, ngayon dapat simulan upang maging maunlad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 20, 26 at electric blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Tamang panahon upang hanapan ng solusyon ang suliranin sa nakalipas. Harapin ang katotohanan na kung nagkasala ngayon, dapat humingi ng paumanhin o patawad at kung sayo  nagkasala, panahon na rin nang pagpatawad.  Lucky numbers at color for the day ay 10, 22, 24, 30 at brown.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang pagkimkim ng sama ng loob o hinanakit ay hindi makakatulong sa sarili, manapay magbibigay ng masamang epekto sa kalusugan. Ang si­sidlan ng tubig kung sobrang puno ay aapaw na walang kaibahan sa dibdib at damdamin ng tao. Maghanap ng mapagkakatiwalaang kaibigan at sa kanya isiwalat ang nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 19, 40 at indigo.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Sa ngayon kuntento ka sa nararamdaman tungkol sa pag-ibig at sa aspetong pinansyal. Kaya dapat pag-ibayuhin pa ang pag-aalaga rito. Dagdagan pa ang pag-aaral kung anong mga bagay ang makapagbibigay ligaya sa minamahal upang manatiling malusog ang buhay pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 4, 19, 20, 37 at white.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Kung mahalaga ang ibig malaman, magsaliksik sa sarili at timbangin kung makatuwiran o hindi, bago magdesisyon. Ibatay sa makatao at makatuwirang patakaran ang desisyon. Sundin ang batas, maging sa pagmamaneho ng sasakyan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 9, 37, 42 at red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ibatay sa kakayahan ang gawain. Kung hindi alam  o tiyak ang gagawin, huwag pilitin ang sarili dahil kapalpakan ang magiging resulta. Huwag mahiyang magtanong sa sanay at nakakaalam sa gustong malaman. Kung may suliranin sa pag-ibig, pinansiyal at sa pamilya, kumunsulta sa psychic upang mabigyan ng gabay at tamang solusyon ang problema. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 19, 40 at green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May posibilidad din na makatagpo ang prince charming, cinderella, twin flame o soulmate. Huwag sayangin ang pagkakataon na hindi tanggapin ang anumang paanyaya, maliban sa pakikipag-date na magreresulta sa sumbatan at hindi pagkakaunawaan. Huwag ituloy ang anumang labag sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 19, 39 at aquamarine.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan ngayon ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa relasyon dahil lalala ito at lalandasin ang daan sa paghihiwalay. Kung magkakaroon ng alitan, maging mahinahon at mapagpakumbaba. Kung kaya ng loob, kahit may kasalanan, huwag ipagpabukas ang paghingi ng tawad o pasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 10, 19, 23, 33 at yellow.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with