^

Kutob

Oktubre 14, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Umasa sa tapat na pag-ibig ng Maykapal. Tunay na hindi Siya pabaya at nagmamalasakit sa’yong kapakanan.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Huwag malito sa anumang payong matatanggap at pag-aralang mabuti ang nararapat gawin bago magdesisyon. Malamang isang kaibigan ang hihiram ng pera subalit dapat tanggihan dahil tiyak matagal bago mabayaran. Isang masugid na tagahanga o mangi­ngibig ang magiging mapusok. Huwag magpaunlak sa paanyayang lumabas. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 20, 26 at aquamarine.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Magiging masigla at nakakatiyak sa sarili kaya handang harapin ang anumang pakikibaka. Madaling lapitan at kung tiyak na maganda ang pakay ay magiging mapagbigay. Maging matulungin. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 12, 28 at white o cream.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang mga nakaraang hinanakit, personal o sa trabaho ay mapapawi ngayon. Ang sulira­ning taglay ay may kalutasan. Kahit alam mong tama ka, huwag makialam sa pagdedesisyon ng iba. Kung ano ang binabalak, dapat simulan kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 14, 19, 21, 39 at purple.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Malamang may mag-alok ng trabaho subalit dapat pag-isipan nang mabuti at timbangin ang kabutihang maidudulot kaysa sa kasalukuyang pinapasukan. Nasa pagitan ka nang mahalagang pagdedesisyon kaya pag-aralan at ikunsulta sa higit na nakakaalam ang nararapat bago pumalaot. Lucky numbers at color for the day ay 16, 20, 31, 42 at maroon.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang tunay na kaibigan ay makikilala mo sa panahon ng ka­gipitan. Naaayon ang panahon upang iwasan ang kaibigang mapagsamantala. Ang pagmamahal ay hindi nakikita sa salita subalit mapapatunayan sa gawa. Ngayon ang panahon na magbibigay ng handog sa minamahal. Magiging maligaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 19, 30 at dollar green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Malakas ang tiwala sa sarili at magiging positibo ang pag-iisip sa mga gawain. Sa mga desisyon, gamitin ang praktikal na pamamaraan at makikita ang tagumpay. Nasa tamang landas nang kasaganahan sa iyong kabuhayan. Walang suliranin tungkol sa pamilya o sa minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 14, 35, 36 at blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Hintayin ang tamang oras at pagkakataon sa ibig na mang­yayari. Maraming nais na gawaing pagbabago ngunit mahirap maipaliwanag ang panig. Iwasan ang makipagsisihan dahil maaaring magbunga ng sama ng loob. Ang kapareha ay walang maitutulong dahil hindi alam kung sino ang dapat panigan. Ang pagkukulang sa iyo o sa iba ay masusulusyunan sa mahinahon at magandang usapan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 12, 14, 31 at rose.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin upang makaiwas sa pagkakamali. Mag-ingat sa pakikipag-ugnayan sa komunikasyon at sa pakipag-ugnayan sa iba dahil ang kabiyak ay magiging selosa. Hinahon sa anumang bagay ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 24 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging maganda ang takbo ng pangangalakal. Magaan ang pasok ng pera. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balitang matatanggap. Kung binata o dalaga, ang pagliliwaliw ay magi­ging masaya. Kung may nilalakad, tiyak ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 14, 29, 35 at ocean blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang tahanan ay mapagtutuunan ng buong pansin ngayon. Magiging mainit ang ulo sa mga gulong makikita sa paligid. Hinahon ang dapat pairalin upang walang masaktan na damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 12, 25, 31 at empire gold.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magiging makitid ang kapaligiran gayundin ang pag-iisip. Magi­ging pikon at madaling magalit. Ang pagre-relax, pagpahinga o pamamasyal ay makakatulong upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Iwasan ang maglasing. Iwasan ang pagsusugal. Iwasan ang biruan at kantiyawan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 13, 25 at orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ang anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Iwasan ang anumang sosyalan. Kung may balak na maglakbay, dapat ipagpaliban. Bago lumagda ng anumang kasulatan o dokumento pag-aralan muna at unawain ang mga nakasaad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 15, 24, 30 at new rose.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with