PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Oktubre 13, 2017

Pagtitibay: Wagas ang habag ng Maykapal. Hindi dapat mag-alinlangang lumapit sa Kanya.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Ang mga kakailanganin sa tahanan ay siyang magiging dahilan ng matinding suliranin, subalit huwag mabahala at makakahanap ng paraan o solusyon. May kaibigan o kamag-anak na tutulong, kung may pautang na maaaring mabayaran. Upang makatiyak ng magandang pagsasama, maging tapat sa iyong mahal. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 24, 40 at dollar green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maging sensitibo ka sa damdamin ng iyong kapareha at hindi panay trabaho lamang ang dapat harapin. May kailangan ang minamahal na hindi masabi-sabi sa iyo. Ang magtanong kung ano ang kakailanganin o magbigay ng pasalubong sa minamahal ay makapagpapatibay ng relasyon at pagsasama. Lucky numbers at color for the day ay 2, 30, 36, 42 at blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Asahan ang relasyon ay parang gulong at upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, maging mahinahon at ipairalin ang pasensiya at pagkamaunawain. Magiging mabisa ang paraan para maipadama sa minamahal kung gaano mo siya kamahal. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 30, 38 at white.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Kung makasariling hangarin ang iiral, asahan na magiging pabigat ka sa mga kasamahan at sa pinapasukan. Baguhin ang ugaling makasarili at tiyak tatagal sa trabaho at magiging mabango sa mga kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 7, 23, 38, 39 at shocking pink.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Nasa landas ng mga pagbabago ang tinatahak. Baguhin lang ang mga kaugalian na palaging pinupuna ng iba, lalo na ng mga magulang, kamag-anak, kaibigan o kasamahan. Madali kang makapulot ng magandang ideya na makapagpapabago sa landas ng buhay. M Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 32, 40 at sun yellow.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Pairalin ang pag-iingat dahil nasa landas ka ng pagkakamali sa desisyon o mga panukala. Pag-aralan ng mabuti ang mga hakbang o dapat gawin bago maglakbay. Pairalin ang makatao at totoong desisyon para maging balanse ang pagkatao. Huwag magdesisyon nang hindi pinag-aaralan ng mabuti. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 26, 39 at lavender.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Sa kalusugan, mag-ingat dahil madaling kapitan ng ubo at sipon. Sa dakong umaga, magiging masaya. Gugulin ang  oras sa piling ng minamahal. Magkakaroon ng pangit na epekto ang pagsermon sa mga anak, dahil sila ay maramdamin sa araw na ito. Lucky numbers at color for the day ay 4, 10, 28, 31 at white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) –Kahit super busy, maaalala pa rin ang ilang malulungkot na tagpo sa nakaraan. Magiging malakas ang pagtitiwala sa sarili, sa relasyon at sa kapwa. Iwasan ang sobrang yabang dahil may pagkakataong ibagsak ka nito. Mag-ingat at may aabuso ng iyong pagtitiwala. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 17, 33 at brown.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang masamang nakaraan ay siyang magpapatibay nang paninindigan sa pagharap sa hamon ng buhay. Ang pagbabakasakali ay mangingibabaw sa isipan na dapat iwasan. Anumang bagay na inisip ay walang katiyakan ang kahihinatnan kaya huwag ituloy. Kung nakakatiyak, magiging positibo ang resulta ng anumang iniisip o gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 14, 18 at jade green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang nakasamaan ng loob noon ay siyang magbubukas ng bagong pagkakataon para maiangat muli ang sarili. Gugulin ang oras sa negosyo o pagkakakitaan. Ngayon ang panahon para harapin ang katotohanan na maging kapos sa pinansyal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 16, 23, 32 at fuchsia.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Upang maalis ang pagkayamot sa sarili, bigyan ng panahon ang pagdalaw sa mga kaibigan, kamag-anak o pamamasyal. Mag-relax upang makapag-isip ng tama at matuwid. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 25, 42 at yellow o orange.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Ibayong pag-iingat ang dapat gawin dahil magiging malapit ka sa anumang hindi kanais-nais na pangyayari. Kung maglalakad sa lansangan, huwag magsuot ng alahas at mag-ingat sa mga sasakyan. Kung nagmamaneho, ibayong pag-iingat at sundin ang batas trapiko. May mga pagbabagong magaganap sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 12, 23 at bone white.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: