^

Kutob

Oktubre 12, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Gaano man ang panlilinlang ng mundo, tapat ang Maykapal sa lahat ng Kanyang pangako.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Malamang may mga panauhing dara­ting at kung sakali ay magiging abala sa pag-iistima. Mapupuno ng ligaya at katuwaan subalit hangga’t maaari, ilagay sa normal ang lahat. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 35, 40 at neon green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) Ang pakikihalubilo sa sosyalan ay magbibigay nang pagkakataon para makakilala ng taong makakatulong sa’yo. Posibl­eng makatagpo ang soulmate o twin flame. Lucky numbers at color for the day ay 17, 25, 27, 31 at fuchsia.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maganda ang panahon sa pagresulba ng problema o suliranin. Madaling makakahanap ng magandang paraan upang malusutan ang anumang balakid. Lucky numbers at color for the day ay 7, 8, 34, 36 at citrus yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag mag-init ang ulo o magalit dahil hindi tama ang ginagawa ng iba. Kung may nakitang kamalian ng iba, umalis at ibaling ang pansin sa ibang bagay para hindi makapagkomento. Lucky numbers at color for the day ay 15, 16, 22, 41 at red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Baguhin ang plano upang makatiyak ng tagumpay. Nasa iyo ang karisma para mahikayat ang mga tao sa paligid. Walang magiging suliranin, maliban sa mga gastusin. Lucky numbers at color for the day ay 8, 18, 26, 41 at platinum pink.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang mga plano sa kaunlaran ay dapat simulan ngayon upang madala sa mga susunod na mga buwan na siyang mag-aakyat ng su­werte. Ang anumang suliranin ay madali mong malulutas. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 20, 26 at sky blue.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magi­ging maligaya ang pagsalubong ng araw. Magiging mapayapa ang buong pamilya lalo na ang sarili. Maginhawang maitutuwid ang mga gawain. Lucky numbers at color for the day ay 2, 10, 25, 32 at brown.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Walang magiging sagabal sa mga gawain. Kung may naiwanang hinanakit sa kalooban, ngayon na ang panahon para alisin, iwaglit at kalimutan ito. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 32, 35 at green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May surpresang matatanggap. Kung may sos­yalan, magiging masaya ang pagdalo subalit iwasan ang sobrang pag-inom ng alak. Kung estudyante, panahon na para sunugin ang kilay sa pag-aaral ng leksyon. Lucky numbers at color for the day ay 1, 9, 25, 37 at cobalt blue.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – May surpresang hatid ang araw. May kabutihan o kasamaan na hindi inaakala. Maging maingat sa paglabas ng tahanan. Iwa­san ang magulong lansangan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 14, 19, 38 at green.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Iwasan ang pagpapautang ng pera dahil matagal bago mababayaran. Magiging walang kasing-saya kung kasama ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 3, 6, 13, 40 at scarlet.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) –  Kung ano ang binabalak, huwag ituloy dahil kabiguan ang matatamo. Ilagay sa normal at huwag mag-over acting sa mga gawain at pagkilos. Lucky numbers at color for the day ay 14, 38, 41 at old rose.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with