^

Kutob

Oktubre 7, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ipinagpapasalamat ko ang aking imperfection. Dahil sa pamamagitan nito ay namalayan ko na may perkpektong Manlilikha ako.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Matatakasan ang isang obligasyon ngunit hindi ang sundot ng konsensiya nito. Huwag makalimot manalangin nang mahugasan ang kasalanang nagawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 17, 23 at sea green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Huwag paghinayangan ang mga bagay na naibigay na. Maaaring sa ibang paraan o tao maibabalik ito. Huwag payagan na maging hadlang ang kapaligiran sa pakikipag-ugnayan sa tunay na hangarin sa buhay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 27, 33 at indigo.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Maging mahinahon sa pagtalakay ng anumang suliranin o problema. Ito ay upang maiwasan na maulit ang nakaraang pagkakamali. Maging maingat sa anumang gagawin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 26, 34 at jade green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Limitahan ang labas ng pera upang hindi makaranas ng kakapusan. Budget ang dapat pairalin. Unahin ang mga bagay para sa pamilya. Bunga nang pagpapabaya sa sariling kalusugan kung ano ang nararamdaman, dapat ikunsulta kaagad. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 24, 37 at yellow green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Kung pag-uusapan ang seguridad sa trabaho, nasa kamay mo ngayon ang sariling kapalaran. Ingatan ang mahalagang tungkulin na ipinagkatiwala. Maaaring pagsubok ito sa iyong kakayahang humawak ng responsibilidad. Huwag maghangad ng malaking kabayaran. Lucky numbers at color for the day ay 7, 13, 26, 37 at red orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Papabor sa mga plano mo ang lahat nang magaganap sa umaga pa lamang. Wala kang magiging problema sa salapi. Maromansang gabi ang naghihintay. Magrelaks at lumanghap ng sariwang hangin upang manatili ang malakas na enerhiya. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 34, 43 at apple green.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Magdadala sa iyo ng tagumpay ang napiling career. Huwag makakalimot na gumanti sa kabutihang nagawa ng tao o mga taong tumulong sa iyo at baka pagtampuhan ka ng suwerte. Lucky numbers at color for the day ay 5, 27, 30, 41 at dirty white.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Kahit tadtad ka ng problema, sikaping ngumiti at tiyak may kalutasang darating. Maniwala sa katotohanan na kung ano ang palaging laman ng utak ay siyang darating at magaganap sa iyo. Iwasan ang sobrang pagpapahalaga sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 8, 15, 28, 42 at turquoise.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magkaroon ka ng kontrol sa iyong appetite dahil kung hindi lalo kang magiging mataba. Ang pagsikip ng paghinga ay palatandaan ng mabigat na dalahin sa parte ng puso. Malamang ma-involve at mapasok sa malalim na relasyon kung hindi mapipigilan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 29, 33 at silver gray.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Matuto kang magmalasakit sa mga bagay na maaa­ring ipagkatiwala sa iyo ngayon. Mapapakinabangan mo kung ano ang ipinagkatiwala sa iyo. Makakapagrelaks ka na nang husto pagkatapos nang hindi inaasahang apurahang trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 20, 30 at burgundy.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Mabibigo kang makapagpahinga sa araw na ito. Obligado kang tapusin ang mga napabayaang gawain. Napapanahon para mag-reflect sa mga nagawa mo sa iyong buhay. Lucky numbers at color for the day ay 10, 16, 27, 31 at pearl white.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Bahagyang magkakahugis ang pinapangarap na tagumpay. Abilidad at husay ang magliligtas sa sarili. Maaaring may pagsisihan kang maling desisyon kaugnayan sa pera o sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 1, 13, 24, 36 at bright green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with