^

Kutob

Oktubre 6, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Gaano man kasikip ang daan sa tagumpay, kung pagsisikap, tiyaga at pananalig sa Maykapal ang sandigan, walang duda na mapapasakamay ito.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – May hihingi ng iyong payo sa araw na ito. Huwag siyang kunsintihin sa ideya ng pagtalikod sa kanyang responsibilidad o tatakas sa pananagutan. Manghihinayang ka sa isang bagay na hindi nagawang pahalagahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 21, 36 at ultra violet.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – May ilang tagahanga ang lalapit sa iyo upang igiit ang kanilang hangarin. Mag-ingat sa maganda at mabulaklak nilang pangako dahil lalabas na hindi matutupad. Makakatanggap ng isang malungkot o masayang balita buhat sa malayong lugar. Lucky numbers at color for the day ay 13, 22, 37, 43 at pale blue.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Mahalagang gampanan ang nabinbing gawain. Walang ibubungang maganda  ang ugaling mainipin kaya dapat iwasan. Kapalit ng magaan na trabaho ay lalong kakapusan sa pera. Maging masinop at maagap sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 9, 17, 23, 41 at avocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maganda ang aura mo sa araw na ito at marami ang magsasabi nito sa iyo. May matatanggap na regalo o imbitasyon mula sa matalik na kaibigan o kamag-anak. Magpasalamat sa Diyos sa mga tinatamasang suwerte upang tuluy-tuloy ang daloy nang kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 15, 24, 37 at yellow green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Magiging mataas ang level ng energy mo sa araw na ito. Agad kang makakabawi ng lakas sa sandaling pamamahinga lamang. Magtiyaga nang kaunti upang maraming ma-accomplish. May surpresang naghihintay sa bahay sa iyong pag-uwi na puwede mong ikalungkot o ikagalak. Lucky numbers at color for the day ay 11, 25, 34, 43 at blue violet.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Tatayo kang mentor sa nakakabatang kapatid na may suliranin sa pag-ibig. Ang napagdaanan ay hindi ikakahiyang ibunyag upang makatulong na ma-educate ang isang walang sapat na kaalaman. Gabayan siya at huwag diktahan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 26, 38 at yellow orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Kasasabikan mong makita ang mga taong naging katuwang mo sa iyong tagumpay. May gagawin kang pag-alala sa naging kabutihan nila sa iyo. Pagtuunan ang mga gawain sa labas ng tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 15, 19, 36, 43 at blue violet.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) Ang pinakahihintay ay darating sa araw na ito na hindi inaasahan. Magugulat ka sa dalang balita tungkol sa pamilya. Ikaw ang higit na makikinabang sa balitang matatanggap. Isang masaya at biglaang salu-salo ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 20, 38 at yellow gold.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – May obligasyon kang makakalimutang gampanan sa iyong kamag-anak, pamilya o sarili. Maagap na paliwanag ang kakaila­nganin para hindi humahantong sa hindi pagkakakaunawaan. Magiging maromansa ang araw na ito para sa iyo. Lucky  numbers at color for the day ay 7, 17, 27, 37 at light green.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Iiwan mo ang inaakalang hindi makabuluhang gawain. Magiging kumplikado ang situwasyon sa kalakalan kaya ibayong pag-aaral ang gawin bago magdesisyon. Matuto sa mga nakaraang pagkakamali na hindi dapat maulit muli. Bigyang pansin ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 1, 18, 21, 34 at light orange.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Magiging mainit ang ulo at masalimuot sa problemang taglay. Mababawasan ang suliranin kung kakalmahin ang sariling emosyon. Magiging masigasig kang baguhin ang mga mali mong ugali sa oras na matauhan. Ayusin ang sigalot ng mga kasambahay. Lucky numbers at color for the day ay 3, 19, 24, 41 at silver.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Sinasabi ng iyong bituin na dapat sumangguni muna sa mga taong nakakaalam o dalubhasa bago gumawa ng desisyon. Makakalikom ng positibong suhestiyon o impormasyon. Mararamdaman mo ang matinding panghihinayang sa iyong relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 12, 20, 35, 45, at tangerine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with