^

Kutob

Oktubre 5, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ugaliin na magkaroon ng positibo, mabuting isip at salita, damdamin at gawa upang pawang mabuti ang maranasan.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) – Malalaman mo ngayon kung ano talaga ang totoong katayuan ng damdamin na inuukol sa sinisinta. Isang bagay ang mangyayari at ikakaligaya mo ang magiging resulta nito. Lucky numbers at color for the day ay 9, 14, 26, 37 at flaming red.

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) – Magsisi­mulang pagsisihan ang mga kasalanang nagawa para hindi pamarisan ng iyong kapamilya o maulit sa sarili. Aani ka ng lubos na respeto at paghanga sa iyong gawain. Huwag mangako kung hindi kayang tuparin para maiwasan ang kumpromiso. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 22, 35 at cannary yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) – Magiging matensiyon ang araw na ito sa iyo. Makikilala mo ang mga taong sumisilip sa iyong mga kapin­tasan o pagkukulang. Inggit lamang ang nagtutulak na gawin ito sa iyo, kaya huwag magpaapekto. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 22, 33 at golden brown.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) – Mag-ingat sa mga taong nagkakalat ng maling impormasyon tungkol sa iyo. Sila ang mga taong nagpapapansin lamang. Sa pagiging kalmado, ikaw pa rin ang mapapabuti sa bandang huli. Anumang bagay na simulan pag-aralan muna ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 12, 26, 31 at lavender.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) – Malaki ang pag­kakataon na maipamalas ngayon ang angking talento. Malamang dito ka makikilala upang umunlad ang buhay. May taong tutulong hanggang matagpuan ang dapat mong kalagyan. Dagdagan ang sipag at tiyaga nang makamit ang hangad. Lucky numbers at color for the day ay 2, 13, 21, 42 at red orange,

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) – May kagandahan­ at kapangitan na pangyayari ang mararanasan. Ma­ging maagap upang mahadlangan ang mga bagay na hindi maganda. Kumilos nang naaayon sa idinidikta ng iyong mga pangangailangan. Huwag magpatangay sa sulsol at paninira ng iba. Lucky numbers ast color for the day ay 5, 14, 37, 40 at royal blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) – Mahaharap mo ngayon ang matagal nang planong paglilinis ng bakuran sa loob ng bahay at kapaligiran. Huwag bigyang pansin ang maririnig na intriga upang maiwasan ang basag-ulo. Isipin ang mga kapamilya na siyang malaking kayamanan kaysa sa kasiyahan na pansarili lamang. Lucky numbers at color for the day ay 3, 15, 29, 40 at dark red.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) – Ang likas na pagi­ging tahimik ngayon ay makakabuti. Iwasan ang anu­mang masamang usapan o kaguluhan sa labas ng bahay. Makakabuti ang magpahinga at bigyang panahon ang pamilya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 17, 26, 35 at apple green.

GEMINI (Mayo 2 - Hunyo 21) – Tuturuan ka ng lek­siyon ng isang madamdaming pangyayari na iyong masasaksihan ngayon. Mahalagang pakinggan ang binubulong ng konsensiya tungkol sa hakbang na gagawin. Itikom ang mga bibig hingil sa opinyon ng iba upang hindi mapaaway sa mga taong nasa paligid. Lucky numbers at color for the day ay 5, 22, 28, 33 ast olive green.

CANCER (Hunyo 22 - Hulyo 22) – Hindi umaayon sa araw na ito ang pagbabakasakali dahil malayo sa iyo ang suwerte. Unahin ang paghahanda ng mga kakailanganin sa binabalak na biyahe dahil dito nakasalalay ang oportunidad na magpapabago sa kalagayan ng buhay. Lucky numbers at color for the day ay 6, 14, 19, 45 at me­tallic gray.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) – Pasalamatan ang mga taong nagbigay ng mahalagang payo o tulong. Sila ang naging hagdan sa kasalukuyang kinatatayuan mo. Kung maaari, bahagian sila ng iyong tagumpay sa pamama­gitan ng regalo. Ang pagbabalik-tanaw sa pinanggalingan ay malayo ang mararating. Lucky numbers at color for the day ay 7, 154, 27, 35 at bright yellow.

VIRGO (Agosto 23 - Setyembre 23) – Huwag iturin na kahinaan ang pagtatanong tungkol sa mga bagay na nais malaman dahil dito nakasalalay ang anumang proposisyon sa buhay. Iwasan ang magkunwari o magdunung dunungan. May dapat kang alamin tungkol sa iyong kalusugan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 23, 38, 39 at olive green.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with