^

Kutob

Setyembre 28, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Maaasahan ang katapatan ng Maykapal sa lahat ng pagkakataon. Hindi ako mangangamba, Siya ang pinagmumulan ng lahat nang pagpapala.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) –  Magiging masaya ang araw sa larangan ng pag-ibig. Malamang makakakilala ng isang mayamang biyudo na mag-aalay ng pag-ibig. Mag-ingat sa pagpapahayag ng taglay na hinanakit. Walang balakid na maisasakatuparan ang layunin. Lucky numbers at color for the day ay 7, 12, 23, 43 at royal blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Lawakan ang pang-unawa sa minamahal kahit masakit sa kalooban. Ang malakas na pagkatao ay dapat sabayan ng matapat at magandang kalooban. Kapupulutan ng aral ang maririnig sa mga nakatatanda o mga magulang. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 44 at mustard yellow.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Hinahon at katiwasayan ng pag-iisip ang dapat pairalin. Dahil sa dami ng gawain magiging mainitin ang ulo at madaling magalit na dapat iwasan. Ang pagri-relax o pamamasyal ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 15, 31, 37 at aquamarine.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Maganda ang palatandaan tungkol sa pag-ibig subalit huwag magpadala sa nadaramang kapusukan dahil kalungkutan ang naghihintay. May babalang gusot na magsisimula sa trabaho at madadala hanggang sa tahanan. Isang dayuhan ang mapapalapit sa puso. Lucky numbers at color for the day ay 15, 25, 35, 45 at cherry red.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Makakatagpo ng bagong kakilala sa pakikisalamuhang sosyal. Mapalad sa itatayong negosyo kung magsisimula ngayon. Sa mga dalaga’t binata, ang sobrang pagpapahalaga sa kasintahan ay maghahatid ng kalungkutan. Lucky numbers at color for the day ay 10, 18, 28, 40 at red orange.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sundin ang kutob ng kalooban at hindi magkakamali. Ang sikretong itinatago ay may pagkakataong madiskubre o mabulgar. Ang lahat ay makikiisa sa mga binabalak. Ang anumang alitang magaganap sa pagitan ng minamahal ay malamang maglalandas sa hiwalayan. Lucky numbers ay color for the day ay 10, 15, 17, 42 at beige.  

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Pakinggan ang pa­ngaral ng nakakatandang kaanak tungkol sa binabalak na negosyo. Huwag magpadalus-dalos sa gagawing desisyon. Ang pagsisikap ay nakatuon ngayon sa tahanan at trabaho. Mag-ingat at may pagkakataong makaharap ang isang taong mahirap makaunawa. Lucky numbers at color for the day ay 5, 16, 30, 33 at midnight blue.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Hindi angkop ang paglalakbay. Iwasang mapasubo sa isang pakikipagsapalaran. Umaayon ang araw sa gawaing pantahanan dahil magiging lubos ang konsentrasyon. Iwasang mangako dahil mahihirapang isakatuparan ito. Lucky numbers at color for the day ay 11, 18, 22, 40 at maroon.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Ang hindi pagkakasundo ng mga ideya ay siyang magbibigay ng kalungkutan at katamlayan. May ilang taong nagnanais na gamitin ka sa pansarili nilang interes. Lucky numbers at color for the day ay 13, 17, 37, 44 at orange. 

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Lumalandas patungo sa katuparan ang mga pangarap. Makakabuting kumilos agad bago mahuli ang lahat. Ang bagabag, kalungkutan o katamlayan ay mahahalinhinan ng kaligayahan. Lucky numbers at color for the day ay 13, 26, 36, 38 at lavender.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang patuloy na pagsisikap ay magiging daan upang maisakatuparan ang mga binabalak. Ang pakikipag-ugnayan sa sulat, telepono o internet ay mahalaga ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 17, 25, 29 at cannary yellow.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Lawakan ang pang-unawa at matutong magpaubaya. Malulutas ang suliraning bumabagabag sa sarili. Mapalad ang makipagtransaksyon sa negosyo ngayon. May surpresang matatanggap. Lucky numbers at color for the day ay 17, 19, 31, 42 at ivory white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with