^

Kutob

Setyembre 25, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Ang bawat umaga ko ay nasa kamay ng aking Manlilikha, ipinagkakatiwala kong lahat sa Kanya.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Malulutas ang ilang bagay na matagal nang gumugulo sa isipan at damdamin. Labis na maliligayahan sa suportang ibibigay ng minamahal. Malilimot nang ganap ang hindi pagkakaunawaan sa isang kasamahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 14, 17, 24 at royal blue.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maayos ang takbo ng mga gawain. May suwerte ang negos­yo. Walang magiging problema sa tahanan. Magi­ging masaya at makulay ang romansa kung maiiwasan ang magselos. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 22, 33 at purple.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Magkakaroon ng kasiya-siyang romansa. Ang minamahal ay malambing at mapagmahal. Malaking bagay ang magagawa ng pagtitiwala at mayroong lihim na matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 10, 16, 35 at red orange.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Madaling mahimok ang mga tao sa iyong paligid. Posible ang isang magandang balita na hatid ng isang kaibigan. Ang dating hinanakit ay mapapawi kung pagsisikapang hanapin ang solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 18, 25, 30 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang pakikipagtulungan sa minamahal ay magiging kapakipakinabang. May pagkakataong madagdagan ang kinikita. Lalong mapapabuti ang kalagayang pinansiyal. Mahalagang pagtuunan ng panahon ang kaanak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 37, 42 at peach.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Huwag agad-agad maniwala sa mga tsismis na maririnig. Pag-ukulan ng pagsisikap ang trabaho at nandiyan ang pakinabang. Mapamaraang pakikitungo ang dapat gawin sa mga kasamahan. Mahalaga ang pakikipagtulungan sa mga kaanak. Lucky numbers at color for the day ay garnet red.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Ang iyong  araw ay makulay dahil sa pag-ibig. Masaya ang pakikisalamuhang sosyal. Ang lahat ng kabutihang ginawa  ay may kapalit na biyaya mula sa ibang tao. Magiging masaya ang pagniniig. Walang suliranin sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 22, 38 at lemon green.  

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Iwasan ang labis na kapaguran alang-alang  sa kalusugan. Maglaan ng panahon sa pamamahinga. Malulutas ang bagay na gumugulo sa isipan. Huwag lang magpadalus-dalos ng desisyon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 23, 36 at apple green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Mahihingan ng payo ang matalik na kaibigan, magulang o kamag-anak. May kaunting problema sa tahanan na magbibigay ng pagkainis at kalungkutan. Maging mahinahon at panatilihin ang wastong pag-iisip upang walang masaktan. Lucky numbers at color for the day ay 3, 18, 25, 37 at cream white.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Hindi magiging lubhang abala. Ang problema tungkol sa magulang o minamahal ay madaling malulutas. Sikaping ma­ging maagap sa lahat ng bagay. May pagkamakakalimutin ka ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 6, 12, 22, 36 at orange.  

LEO:(Hulyo 23- Agosto 22) – Sikapin na maging maayos ang lahat ng bagay sa tahanan at pinapasukan. Mahalaga na makatiyak sa anumang gawain. Bigyang diin ang mga detalye. Umaayon ang maikling paglalakbay lalo na kung may kinalaman sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 7, 9, 12, 24 at jade green.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Huwag umasa sa tulong ng iba, maging sa mga kaibigan o minamahal. Magsikap at magtiyaga upang makamit ang minimithi. Iwasang magbitiw ng mararahas na pananalita na makakasugat ng damdamin ng iba. Lucky numbers at color for the day ay 7, 17, 19, 36 at maroon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with