^

Kutob

Setyembre 24, 2017

Madam Rosa - Pang-masa

Pagtitibay: Walang hindi nalalaman ang Maylalang ng sanlibutan. Anumang intensiyon, mabuti o masama ay papanagutan sa itinakdang panahon.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Iwasan ang mangako dahil hindi kayang tuparin. Ang usapan ay salamin ng pagkatao na dapat tuparin. May mapalad na transaksiyong darating na dapat hindi pabayaan. Magkakaroon ng pagkakataong makapamili ng kasangkapan sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 17, 25, 36 at agete green.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Pakiramdaman ang kutob ng sarili at hindi magkakamali sa gagawing desisyon. Ang nasimulang trabaho ay tatakbo ng maayos at mabilis kung iiwasan ang tsismis. Ang pag-aalaga sa kalusugan ng magulang ay dapat bigyan ng panahon at pansin. Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 26, 39 at carnelian.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Huwag sayangin ang oras. Magsipag at maging matapat sa mga gawain. Suriing mabuti ang transaksyon upang hindi mauwi sa pagkawala o pagkasayang ng panahon. Ngayon maipapakilala ang taglay na katangian at kakayahan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 25, 37 at violet.

CAPRICORN: (Disyembre 22- Enero 19) –  Umaayon ang panahon sa paglalakbay sa malapit o malayong lugar. Madaling masasaktan ang iyong damdamin na magpapakulimlim ng iyong araw. Iwasan ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 32, 37 at jade green.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Ang tunay na pag-ibig ay hindi nasusukat sa materyal na bagay, kundi sa gawa at pang-unawa. Sikaping matupad ang pangako sa minamahal. Mapapasakamay ang hangarin sa pag-ibig. Hindi mabibigo kung malinis ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 25, 36 at dollar green. 

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Maaaring makatanggap ng magandang balita buhat sa telepono o sa internet. May magandang palatandaan ang tungkol sa pag-ibig. Ang mahal sa buhay ay makikiisa at magiging maalalahanin. Ipagpaliban ang paglalakbay. Lucky numbers at color for the day ay 2, 3, 9, 37 at golden brown.  

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Huwag mag-alinlangan at maipapakita mo ang iyong kakayahan kung nanaisin. Tataglayin ang kahinahunan ng pag-iisip sa gawaing mental o pisikal. May pagkakataong makakilala ng mamahalin. Lucky numbers at color for the day ay 9, 12, 30, 37 orange.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Iwasan ang maging malikot ang isipan at maaaring pasukan ng hindi magandang mga ideya. Ang konsentrasyon ng pag-iisip ay ilagay sa positibong bagay at may matamis na bungang pipitasin. Tiyak na mabibigyan ng kasiyahan ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ay 10, 13, 17, 29 at light green. 

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magiging kasiya-siya ang pag-aayos ng tahanan at pagtanggap ng bisita. Magbubunga ng tagumpay ang kahirapang dinaranas at ngayon ang simula. Ang pinagsamang pagtitiis, tiyaga, hinahon at sipag ay hahantong sa tagumpay. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 2, 9, 14, 30 at ruby red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Ang panahon ay magiging makulay sa mga taong may magandang kalooban, tapat makitungo at masayahin. Iwasan ang magalit maging ang katamaran. Kaunting panahon ang kailangan upang matamo ang hinahangad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 36, 41 at fuschia.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – May payo na makakabuti at may payo na makamandag. Suriing mabuti bago magpahalaga sa anumang payong matatanggap. Sikaping mamalagi ang mabuting pagsasama sa loob ng tahanan at ma­ging sa tanggapan. Iwasan na magkaroon ng bagong relasyon sa pag-ibig. Layuan ang makamandag na tukso. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 25, 36 at royal blue.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Iwasan na maging matampuhin. Sa tulong ng taimtim na dalangin, mapapawi ang mga suliranin at mapapanatag ang kalooban. Mahalaga ang mga payong matatanggap mula sa nagmamahal. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 15, 32 at avocado green.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with