^

Kutob

Setyembre 17, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Hindi ko man kontrolado ang sitwasyon, panatag ako sa kalinga ng hindi pabayang Man­lilikha ko.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Magi­ging magaan ang pananalapi. Sa mga manga­ngalakal magiging maunlad ang negosyo. Magiging kaibig-ibig at kabigha-bighani ang tingin sa iyo ngayon. Malamang tumibok ang puso dahil sa matamis na salitang ipapasaring ng tagahanga. Lucky numbers at color for the day ay 2, 18, 20, 32 at ruby red.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Anuman ang gawain, pag-isipan nang mabuti ang kahihinatnan bago magdesisyon. Huwag basta dumaldal o magtatalak para maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Nasa landas ang banta ng pagsisisi. Nasa pagkakamali nagmumula ang karunungan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 22, 31 at purple.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Ibayong pag-iingat ang gawin sa tahanan nang maiwasan ang sunog o magnanakaw. Iwasan ang mga taong tsismosa nang hindi masangkot sa gulo. Iwasan ang sugal at tiyak na matatalo. Iwasan ang maglasing nang hindi masangkot sa alitan. Iwasan ang magalit nang hindi tumaas ang presyon ng dugo. Mag-practice ng meditation. Lucky numbers at color for the day ay 12, 14, 22, 23 at blue

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Isang kaibigan ang hihingi ng payo tungkol sa pag-ibig. Magiging masuwerte ang tungkol sa negosyo subalit kabaligtaran ang tungkol sa pag-ibig. Kaunting gusot ang mangyayari sa kapaligiran. Huwag makisangkot nang maiwasan ang mapahamak. Mag-adopt ng positive attitude sa buhay. Lucky number at color for the day ay 7, 8, 22, 28 at light blue.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Disiplina, sikap at tiyaga ang kailangan sa kaunlaran. Ang pagpili ng kurso ay karapatan ng mag-aaral. Kung kaya, ibigay ang laya ng anak sa pagpili. Kung hindi kaya sa pinansiyal na aspeto, paliwanag ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 3, 19, 42 at aquamarine.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Maging kalma o mahinahon sa pag-dipensa ng prinsipyo upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan na hahantong sa gulo. Mahalaga ang paninindigan at prinsipyo sa sarili dahil makakasagupa ng taong igigiit ang kanila kahit na mali. Mag-aral ng mental telepathy for harmony. Lucky numbers at color for the day ay 6, 8, 33, 36 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Sa mga kasamahan sa trabaho o mga kaibigan, mababa ang magiging tingin sa iyo kaya pasensya, unawa at hinahon ang kailangan. Sa pag-ibig, lawakan ang pang-unawa dahil magiging masungit at mainitin ang ulo ng minamahal. Psychic development ang kailangan para ma-achieve ang total life change. Lucky number at color for the day ay 5, 19, 26, 33 at pink.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Bawat patak ng oras ay ginto kaya kumilos at tiyak na may mapapala. Kung ano ang binabalak, isagawa at tiyak makakamit ang tagumpay. Ang pagwawalang bahala o ang katamaran ay hindi pakikinabangan. Umaayon ang panahon sa binabalak. Lucky numbers at color for the day ay 3, 10, 40, 42 at magenta.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) –Ang tapat na pagtulong sa kapwa ay may biyayang naghihintay. Kung ano ang ipinunla  ay siyang aanihin. Hindi magiging sayang ang mga kabutihang ginawa dahil nasa landas ang gantimpala. Ang pinakamamahal ay magiging maunawain at malambing. Lucky numbers at color for the day ay 11, 18, 39, 40 at metallic blue.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) –  Ihanda ang sarili sa hindi inaasahang pangya-yari. Kung ano ang ginawa ay may katumbas na kabayaran kaya kung hirap at pighati ang dinaranas ito ay “bad karma,” kung ginhawa at ligaya ang kabayaran, “good karma.” Lucky numbers at color for the day ay 3, 12, 18, 41 at orange.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Kung may proyekto, walang dapat alalahanin at ito ay tatakbo ng mahusay at walang abala. Sa trabaho, walang magiging problema  sa mga kasamahan na magiging matulungin at makikiisa. Sa sarili, dapat iwasan ang makapag-salita ng hindi maganda at makakasugat ng damdamin. Lucky numbers at color for the day ay 2, 11, 22, 39 at peach.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang panganib na maloko o ma-swindle ay nasa iyo ngayon. Ibayong ingat ang kailangan sa mga taong lalapit at makakausap. Magkakaroon kayo ng tampuhan ng minamahal, kasintahan o kaibigan. Subalit ito ay maiiwasan kung magiging maunawain, mapagbigay at mapagpasensiya. Lucky numbers at color for the day ay 4, 7, 22, 34 at yellow.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with