PSN Kutob ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Setyembre 14, 2017

Pagtitibay: Ang kapangyarihan sa pangalan ng aking Manlilikha ang matibay na sanggalang ko sa anumang gawa ng masama o kapahamakan.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Bumagsak man sa kinuhang pagsusulit ay huwag panghinaan ng loob. Sa halip, ang nangyari ay gawing hamon para lalong magsikap  sa mga susunod na pagkakataon. Kulang lamang sa paghanda kaya ito ang dapat ugaliing gawin. Lucky numbers at color for the day ay 10, 24, 32, 41 at yellow green.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Magkakasamaan kayo ng loob ng kasintahan dahil sa selos. Ibaba ang pride para magkabati na. Hindi makakabuti kung makikipagmatigasan dito. Masisira lamang ang relasyon ng wala namang mabigat na dahilan. Lucky numbers at color for the day ay 8, 16, 23, 37 at sky blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Pinsan mo ang makakatulong sa iyo para maayos ang problema sa kasintahan. Makinig sa kanyang mga ipinapayo, wala siyang sasabihing ikasasama ng inyong relasyon. Kapag naayos na ang problema, tiyaking nakatanim sa isip ang mga payo nang maiwasan na muling hindi magkaunawaan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 16, 23, 31 at mint green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mapagtatanto na ang kamalian ng pag-aasawa ng hindi man lamang pinaghandaan. Pero nariyan na at wala nang magagawa. Ayusin ang buhay kahit nagkamali. Posibleng humantong sa hindi maganda ang buhay pag-ibig kung hindi aayusin ang problema ngayon pa lang. lucky numbers at color for the day ay 20, 27, 39, 43 at golden brown.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Dahil sa puyat sa nagdaang gabi, hindi na magagawang sumama pa sa mga kaibigan sa itinakdang lakad. Kailangang makabawi ng lakas dahil sadyang antok na antok. Kung pipiliting umalis, hindi magiging masaya ang lakad. Lucky numbers at color for the day ay 5, 11, 29, 38 at black.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Abalang-abala sa ginagawang preparasyon sa kasal. Tiyaking ang lahat ay nasa ayos para kahit simple ay maayos ang maging daloy ng isa sa pinakamahalagang okasyon sa buhay. Walang dapat ipag-alinlangan sa kasuyo. Magiging mabuti siyang kabiyak. Lucky numbers at color for the day ay 4, 18, 24, 41 at royal blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Huwag mawalan ng pag-asa kung hanggang ngayon  ay wala pa ring trabaho. Makakahanap din, dagdagan lamang ang tiyaga at panatilihin ang tiwala sa sarili. Lucky numbers at color for the day ay 13, 20, 27, 31 at off-white.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Aminin ang nagawang kasalanan. Huwag matakot na hindi ka mapapatawad ng taong nagawaan mo ng kamalian. Lalo lamang sasama ang loob niya kung sa iba pa malalaman ang kasalanan mo. Lahat ng tao ay nagkakamali at nagkakasala. Ang mahalaga ay marunong kang tumanggap at magsisi. Lucky numbers at color for the day ay 7, 14, 28, 42 at old rose.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Maaalala ang isang dating kaklase na noon pa man ay hinahangaan na. Nanaising makita ito kaysa sa mga susunod na mga araw, gagawa at gagawa ng paraan para mahanap at makausap ito. Magtanung-tanong sa mga kakilala at baka ito ang maging susi para magkita kayo. Lucky numbers at color for the day ay 8, 19, 27, 34 at gray.

GEMINI (Mayo21-Hunyo 21) – Lalong tumitindi ang nararamdamang paghanga sa isang itinuturing  na kaibigan, na kahit anong gawing iwas ay nahihirapan. Natatakot kang isipin niyang baka sinasamantala mo ang inyong pagkakaibigan, pero alalahanin ding lalo lang mahihirapan kung patuloy na sisikilin ang damdamin. Walang dapat ipangamba kung malinis ang intensiyon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 36, 42 at red.

CANCER (Hunyo  22-Hulyo 22) – Isang kaibigan ang hihingi sa iyo ng payo. Makikita mong base sa salaysay ay mali ang kaibigan, kaya maging tapat ka sa mga payo mo. Kung kinakailangang masaktan siya para malaman ang katotohanan at mapagtanto ang kanyang pagkakamali, gawain mo. Kaysa lunurin siya sa mabubulaklak na salitang hindi naman totoo. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 25, 36 at silver.

LEO (Hulyo  23-Agosto 22) – Huwag mangiming magsabi sa magulang o sa kapatid hinggil sa kaila­ngang pera para mabili ang kailangang kagamitan. Higit sa iyong inaasahan, hinihintay lamang nilang magsabi ka at handang handa silang maglaan para sa iyo.Lucky numbers at color for the day ay 4, 23, 39, 44 at carnation pink.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: