^

Kutob

Setyembre 13, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Bubuhos ang biyaya at pagpapala ng Maykapal.

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Walang magiging sagabal sa binabalak na pagtatapat ng saloobin. Samahan ng dalangin ang gagawing pagtatapat upang positibong makamit ang minimithi. Malamang magkakaroon ng magandang relasyon sa isang bagong kakilala. Naaayon ang panahon sa pagsama sa mga kaibigan. Malulutas ang mga bagay na madalas na gumugulo sa isipan. Lucky numbers at color for the day ay 5, 10, 14, 22 at red rose.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Tungkulin ang sumunod sa nakakataas. Magiging masungit at magi­ging makasarili ang iyong ugali ngayon, na dapat iwasan. Huwag masamain ang anumang iutos mula sa nakakataas. Matutong magtimpi ng damdamin at maging mahinahon sa anumang sitwasyong mangyayari. Iwasan ang magalit at magmura. Lucky numbers at color for the day ay 6, 11, 13, 40 at silver gray.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ikaw ang maliit na makakapuwing. Ikaw rin ang maliit na makakasikip sa daigdig. Iwasan na magkaroon ng alitan at tiyak hindi papatalo kahit wala sa katuwiran. Iiral ang pagka-arogante na dapat iwasan dahil kung hindi ay mapapasubo sa gulo. Ang dapat gawin ay libangin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 22, 39 at blue and white.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Mapag­hinala ang kasintahan o ang minamahal kaya kaunting ingat kung may itinatagong bagay. Ang pakikipag-date  ay hindi angkop at dapat ipagpaliban ng ibang araw. Magiging magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Isang alaala ang makapagbibigay kagalakan sa damdamin at puso. Masusunod ang kahilingan dahil mahirap kang tangigihan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 13, 26, 33 at beige.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Ang mga katulong sa pamamahay ay dapat tumanggap ng makataong pagtingin at pang-unawa. Palawakin ang sirkulo ng pakikipagkapwa tao, maging sa mga kapuspalad. Maging mapamaraan sa pakikibagay at tiyakin na walang masasaktan sa mga salita o sa gawa. Lucky numbers at color for the day ay 2, 6, 20, 22, 36 at old rose.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Ngayon ang pagkakataon na maipakita ang kakayahan at katalinuhan sa trabaho. Kahit gaano kahirap ang buhay, kung paiiralin ang sipag at tiyaga ay makakaahon. Naaayon ang panahon sa paglalakbay. Iwasan ang malungkot at magalit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 24, 30 at light blue.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Angkop ang panahon sa pakikipagkasundo sa dating nakasamaan ng loob. Ang pagkakamali ay makatao, ang magpatawad ay maka-Diyos. Araw ni Kupido sa mga Piscesians, kaya kung tungkol sa pag-ibig, walang kasingsaya at ligaya. Magiging maganda ang pasok ng pera. Lucky numbers at color for the day ay 8, 17, 20, 32 at orange.

ARIES ( Marso 21- Abril 19) – Hindi napapanahon upang baguhin ang dating mga binabalak. Huwag padala sa sulsol ng iba. Gawin ang anumang gustong mangyari kung ito’y makakabuti sa lahat at sa sarili. Ang mga kasamahan sa gawain ay nangangailangan ng gabay at payo. Lucky numbers at color for the day ay 3, 5, 33, 40 at yellow.

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Angkin mo ngayon ang lakas ng iyong ESP na makakatulong sa kaibigan na may malaking suliranin. Lumalandas sa kaunlaran ang pakikibaka sa mga gawain. Panahon nang ilantad ang kakayahan at estilo sa nakaatang na mga gawain. Ang kaalaman ay kaila­ngang ibahagi sa mga nasasakupan upang makagawa ng tamang paraan. Patuloy ang kaunlaran sa gawain. Lucky numbers at color for the day ay 6, 24, 28, 34 at green.

GEMINI (Mayo 21-Hunyo 21) – Isang meaningful gift ang matatanggap ngayon. Matalas ang kaisipan kaya madaling matuto sa anumang bagay lalo na kung leksiyon sa paaralan. Kung paglalaanan ng panahon ang pag-aaral, tiyak makakamit ang mataas na grado. Matutugunan ang mga mahalagang pangangailangan kung hahanapan ng paraan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 28, 30 at jade green.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Makakatagpo ng bagong kaibigan sa pagtitipon na dadaluhan. Iwasan ang mabasa ng ulan o ambon dahil madaling kapitan ng sipon o trangkaso. Huwag magpatuyo ng pawis sa katawan dahil magiging mahina ang pulmon. Posibleng makatanggap ng impormasyon tungkol sa trabaho o negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 36, 34, 30 at peach.

LEO (Hulyo 23-Agosto 22) – Kung makakatagpo ng taong sasalungat sa panukala, huwag mawalan ng lakas ng loob. Sapagkat nakataya ang pang sariling kapakanan. Mahaba ang pasensiya, subalit kapag sumagad ay sisiklab na parang lumiliyab na apoy sa galit. Kaya hinahon ang kailangan. Mula sa taglay na karanasan, iwasang magkamaling muli. Lucky numbers at color for the day ay 7, 25, 40 ,41 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with