^

Kutob

Setyembre 11, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: Inaangkin ko ang tagumpay. Dahil sa kalakasang kaloob ng Manlilikha ko, lahat ay aking magagawa.

VIRGO (Agosto 23- Setyembre 23) – Unawain at pag-isipan ng mabuti bago lumagda ng anumang kasulatan. Huwag kaagad-agad magtiwala sa mga taong makakaharap ngayon. Isang kaibigan na may lihim na galit sa iyo ang matutuklasan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 6, 37 at emerald green.

LIBRA (Setyembre 24- Oktubre 23) – Makakatanggap ng mahalagang balita o impormasyon na makapagpapabago sa istilo ng hanapbuhay. Magiging kasiya-siya ang pamimili o pagsya-shopping. Makakabuting sundin ang budget. Magkakaroon ng pagbabago ang mga plano sa paglalakbay o gawain. Lucky numbers at color for the day ay 12, 21, 24, 40 at pearl pink.

SCORPIO (Oktubre 24- Nobyembre 22) – Maligayang romansa ang magaganap. Iwasan ang matali sa anumang pangako na hindi kayang tuparin. May hindi inaasahang dahilan ang makapagpapabago ng desisyon. Ang relasyong pampamilya ay mapagtitibay kung nanaisin. Ipagpaliban ang balak na paglalakbay dahil hindi magtatagumpay ang sadya. Lucky numbers at color for the day ay 5, 19, 37, 41 at peach.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23- Disyembre 21) – Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. May magandang suwerte sa pag-ibig. May maligayang romansa na magaganap, ito ay maaaring hahantong sa pag-ibig. Inaayunan ng panahon ang makipag-date o ang pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ay 9, 24, 29, 32 at avocado green.

CAPRICORN (Disyembre 22- Enero 19) – Huwag padala sa matinding bugso ng damdamin at mapapahamak ka lamang. May magandang balita mula sa ibang bansa. Isang tao na may nunal sa kanang pisngi ang makikilala. Iwasan ang paanyaya ng mga barkada. Lucky numbers at color for the day ay 9, 15, 29, 39 at white.

AQUARIUS (Enero 20- Pebrero 18) – Isang kaibigan ang maaaring makadalaw. Magiging maganda ang panahon kung iiwasan ang makipagtalo. Ang bagong  kakilala ay makakatulong sa negosyo o suliranin. Hindi dapat talikdan ang mga bagay na sinimulan. Maging maagap. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 24, 39 at agate green.

PISCES (Pebrero 19- Marso 20) – Ang paglilingkod ng tapat ay kailangan sa pinapasukan. Patungo sa tagumpay ang nilalandas mo ngayon. Mapapabuti ang kalagayang pinansyal. Iwasan na magkaroon ng pagtatalo. Iwasan ang gulo. Iwasan ang maglasing. Lucky numbers at color for the day ay 11, 13, 29, 40 at brunt orange.

ARIES (Marso 21- Abril 19) – Iwasan ang makipagtalo sa mga kasamahan sa trabaho o sa kasambahay. Isang maligayang romansa ang magaganap. Ayusin ang mga schedule nang hindi magkabuhol-buhol ang gawain. Lucky numbers at color for the day ay 1, 7, 33, 34 at crimson red.

TAURUS (Abril 20- Mayo 20) – Ngayon mo ibubuhos ang lahat ng kakayahan sa gawain. Kailangan ang mag-ingat sa pera, alahas o cellphone habang nasa sasakyan. Iwasan ang tsismis kung ayaw mabaon sa utang. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. May mahalagang bagay na matatapos. Lucky numbers at color for the day ay 7, 11, 25, 33 at nile green.

GEMINI (Mayo 21- Hunyo 21) – Magplano ng mabuti sa gagawin. May maka-kaalala sa iyo. Iwasan ang maging emosyonal. Ang malimit na pagkahilo ay may kaugnayan sa paglilihi, highblood o sakit. Panindigan ang mga sinabi at ginawa. Huwag mangako at tiyak hindi matutupad. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 16, 33 at coral red.

CANCER (Hunyo 22- Hulyo 22) – Iwasan ang magalit o mag-init ang ulo. Mag-ingat sa mga taong mapagbiro at mapaghamon sa iyong pagtitimpi. Magtatagumpay sa anumang mahirap na gawain. Ang personal na gawain ay may hatid na pakinabang. Lucky numbers at color for the day ay 4, 11, 15, 28 at electric blue.

LEO (Hulyo 23- Agosto 22) – Ang anumang transaksyon ay magiging tagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Matutuklasan mo ang isang lihim na tagahanga. Iwasan ang magalit. Lucky numbers at color for the day ay 3, 13, 25, 30 at sky blue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with